Babys Needs
Kailan po kayo nag start mamili ng mga gamit ni Baby? may nakapagsabi kasi sa akin na wag muna bumili dahil almost 11 weeks palang ako, baka daw mausog at di na matuloy pagbubuntis ko , pero i was worrying sa hassle kapag malaki na tyan tapos tsaka palang ma mimili, pa advice naman po. thanks in advance.

Super early, nung ako 6 months na tummy ko. Yung bilhin mo po una yung pinaka importante. Eto guide per order: FOR BABY * lampin (at least 1 dozen) * pranila (2 to 3 pcs MUNA) * sleeveless, short sleeves, long sleeves, bonnet, mittens, socks/botties, pajama (at least 1 dozen each) DAPAT 1 OR 2 SIZE BIGGER WAG YUNG NEWBORN BILHIN DAHIL MADALING LUMAKI ANG BABIES * plastic mat (para pag change diaper ni baby) * Diaper, NB size, tissue, cotton buds, alcohol 70%, wet wipes (paraben free), cotton balls. NOTE: wag ka munang bumili ng crib, stroller, high chair. tsaka na pag anjan na si baby. FOR MOMMY para sa hospital * maternity dress (3 to 5 pcs) VERY IMPORTANT ito bilhin mo yung mag zipper or buttons sa may dibdib pra madali lang mag nurse kay baby. * adult diaper ( 3 to 5 pcs) yung de tape bilhin wag yung pants. * maternity pads 1 to 2 packs
Magbasa pa


