Naniniwala ba kayo sa usog?

Kahapon nagpabakuna yung anak ko, pangalawang beses na. Unang bakuna nya babae nag inject, nilagnat sya, then kinagabihan, wala na yung sakit ng turok tsaka lagnat . Etong pangalawa naman, lalaki nag inject, mukhanh mabigat ang kamay, ang tagal ng lagnat nya, pero syempre normal na yun, simula kahapon di na sya nagpapababa, magdamag ko sya buhat . Pag uupo ako umiiyak, nagagalaw din kasi yung turok nya . Mga bandang hapon wala na sya lagnat, wala na rin sakit ng legs nya, nakakatulog na rin sya pero buhat padin, grabe yung hikbi nya habang tulog as in nakakaawa, tapos grabe din yung gulat nya, kahit tahimik ni hangin ng fan na dadaan sakanya wala . So naisip ko baka nausog baby ko, kaya nagdecide ako na patawas namin sya, waiting lang kami ngayon sa papa ng asawa ko, then after patawas, pag walang improvement ngayong gabi, punta kami ng pedia . Respect po . Kung may experience na rin po kayo at baby nyo sa usog pa share naman . Salamat .

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Yes po