............

I'm physically and emotionally tired, I'm 7mos preggy now, and my lip cheated on me. Grabe na yung sakit na tinitiis ko,hindi ko makuhang makipag hiwalay kasi buntis pa ako, sya lang maasahan ko for now kasi pinag resign nya din ako sa work ko before nung malaman nyang buntis ako, simula 2weeks nalaman kong buntis ako nung araw nayun mismo nahuli kudin sya imbis na ako yung may surprise ako yung na surprise, nung una okay kami pero habang natagal nararamdaman ko may nagbabago ang laki ng nagbago, Gusto ko ng i restart buong pagkatao ko, gusto ko ng makalimot gusto kong mag pahinga sa lahat ng sakit, hindi na sya nauwi dito sa bahay mas pinili nya yung babae nya🙃 ngayon bigay bigay nalang sya pamg check up at pang gastos, ang sakit lang pag tapos namin planuhin si baby for 1year tapos kung keylan ako nabuntis tsaka nya kami iiwan🙃 araw araw nalang akong balisa, ayaw ng kausap ilang days nadin ako hindi nakaka kain ng kanin kung ano lang makita kong kainin ayun nalang, napaka unhealthy, sorry nalang ako ng sorry kay baby kasi nadadamay sya, araw araw nalang ako napunta sa mall nag gagala nag unwind, nagastos ginagawa ko para maka ganti manlang sa kanya yung binibigay nya saking 10k every 15th of the month inuubos ko talaga in just 1week, tapos kapag wala na hihingi nanaman ako sa kanya, kinausap ko sya before na hindi ko kaylangan mg pera nya gusto ko sya, gusto kong kasama sya, gusto ko makita nya ko habang nagbubuntis ni hindi nya manlang nga ako naalagaan hahaha alam nyo yun buntis lalo na nung first trimester grabe hirap ko, kaya ayun sabe ko sa kanya kung hindi nya mabibigay oras nya sakin ibigay nya lahat ng gusto ko, don't get me wrong mommies may ipon naman ako, gastos Lang ako ng gastos kahit hindi kaylangan binibili ko, bibili din ako ng madaming pagkain tapos papamigay ko lang sa mga tao sa bahay, feeling ko dun nababawasan ang stress ko, tapos kapag magbbigay nasya ulit sa katapusan ng 10k nag tatalo na kami, kesyo ganto daw ako ganyan, hindi nya lang maintindihan na kaya ko ginagawang mag gala araw araw para makalimot kahit saglit, para pag uwi ko ng gabi iyak nalang onti tas tulog na, ako pa inaaway nung babae nya hahaha diba? May mga ganun pala talagang tao, tapos kapag pumatol ako yung babae pa nya kakampihan nya hahaha! Mahal na mahal😅 hinhintay ko nalang lumabas si baby after that makikipag hiwalay nako, balak ko din hindi ipakita yung anak nya kahit sa mga kamag anak nya, tama ba magiging desisyon ko? Gusto ko lang mag labas ng sama ng loob mga mommy kasi kapag naipon nanaman to sasabog nanaman ako kung ano ano nanaman magagawa at masasabi ko sa kanya. Ang bigat bigat na feeling ko wala ng kwenta yung buhay ko ng dahil sa kanya, #advicepls

35 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

sis ako din pinagpalit ako sa bagong gf ng ex ko alm mo ginawa ko pinangalangan ko sakin ung bata pra wala syng karapatan .. !

Pray lang momsh. Magiging okay ka din basta always mong isipin si Baby mo. God bless😇

lapit k n lng Kay Lord. punta ka sa pastor or pari.. ihinga mo lahat. 😣

Hirap talaga pag nakaasa ka sa lalake, kahit gusto mo kumawala di mo magagawam

stay strong mamsh. mas isipin mo nalang po si baby mo 💞🤗