Meet my baby
I'm a first time mom and I just wanted to share to you my baby. Meet Kean Adriel who was born on September 22, 2019 at 12:30 am via Elective CS. EDD: Oct. 1, 2019 Nung una talaga gusto ko normal delivery and super against ako sa CS. Pero habang tumatagal lalong lumalaki si baby sa tiyan ko na akala tuloy ng iba twins yung dinadala ko. But since sabi ng OB ko na baka maipit shoulders ni baby pag pinilit ko i-normal, I have no other choice but to push through na CS na siya. Iniisip ko na lang ang safety naming mag-ina. Grabe rin yung pinagdaanan ko throughout my pregnancy journey dahil bukod sa pagduduwal, andiyan din yung pananakit ng balakang, yung biglang nagigising sa madaling araw at matagal bago makatulog ulit, yung di mo alam kung anong posisyon ang gagawin mo sa pag higa and lastly, yung bigat ng tiyan ko dahil sa laki niya na 4.26kg pagkalabas niya. We really thank the Lord na smooth sailing at walang complication sa health namin ni baby.?