DAPAT BA KONG MAGSELOS?

I'm 4 months preggy at di kami nagsasama ng bf ko . Malayo sya sakin. Tama ba na magselos ako sa babaeng lagi nyang nakakachat? Wala naman silang sweet convo pero gabi hanggang madaling araw ay magka-usap sila . May time pa di nya pinapansin yung chat ko kahit seen wala pero nakita ko kachat nya yung babae. Pinag awayan na namin yun ng linggo pero ngayon nakita ko kachat nanaman nya at tinatanong pa nya si Girl kung sino sino na naging ex. Oo wala silang sweet convo pero feel ko na type nya yun kasi dun din kami nagsimula tsaka kung di sya interesado don bakit pinaglalaanan nya ng oras to the point na di nya ko pinapansin dahjl stress daw sya sakin kahit di naman sya ngbibigay kahit pang vitamins ko ? Alam na nga nyang hindi ako komportable na kachat nya yun. Pinag awayan na namin pero go padin sya meaning wala syang pakeelam sa nararamdaman ko ? Sama sama ng loob ko ??

62 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sa una lang talaga magaling mga ganyang tao. Buti nalang di kayo magkasama at malayo ka sa kanya, the way na alam niyang di ka komportable sa kachat niya at pinag-awayan niyo pa pero sige pa din siya ibig sabihin lang non di ka mahalaga sa kanya in short interesado siya sa girl na kachat niya. Dapat naman talaga na magselos ka e, siya yong ama ng pinagbubuntis mo pero alam mo yong di dapat? Yong magstay ka pa sa toxic na tao. Bat ka pa magtitiis sa kanya? Kung pinaparamdam na sayo na dapat lumayo ka na. Pano mo pa ipaglalaban ang isang tao nagtutulak palayo sayo. Hayaan mo siya, di pa naman kayo kasal e. Wag mo nalang siya bigyan ng karapatan sa anak mo, selfish na kung selfish never naman siyang nagpakita ng care sayo at sa bata so bakit mo siya bibigyan ng karapatan diba. Pag-isipan mo sis. Marerealize niya yan pag huli na ang lahat, pag feel na niyang magseryoso sa buhay. Let go na.

Magbasa pa