My pregnancy story

Im 22 yrs old. Kakagraduate ko lang ng college pero di na nakapagtrabaho dahil nabuntis ako. Hindi ko pinapaalam na buntis ako kahit kanino until now na 35 weeks preggy na k. Ang nakakaalam lang family ko at malapit na friends ko. Nahihiya kasi ako parang feeling ko wala pa ko napatunayan. Kaya lagi lang ako nakakulong sa bahay ng partner ko. Nahihiya ako pagchismisan kapag umuwi ako samin. Kaya minsan iiyak nalang ako feeling ko di pa ko ready. Alam ko kasalanan ko kaya di natupad mga nakaplano ko sa buhay. Pero ngayon tinatatagan ko loob ko para sa baby ko and I know di kami papabayaan ni Lord.Need advice mga mommy, ano pampalakas ng loob nyo para makayanan lahat ng pinagdadaanan nyo habang nagbubuntis.

57 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I just want to share, mommy. I'm 21 years old and since tumigil ako ng 2 years, until now hindi pa ako graduate ng college. I dropped out of college last November 2019, kase nalaman kogn buntis ako for 2 months na. To be honest, mapalad kapang graduate ka na ng college kase although mahirap makahanap ng work and the perfect company for you, mabilis ka lng matatanggap dahil tapos ka ng pag-aaral. Alam kong mahirap din ifo sayo because same just like me nawala rin mga plano ko for myself, my family, and my future family. But right now we have the same consequences. Since hindi pa natin nakamit mga palano natin and nandyan na yung baby natin, mas magiging mahirap ang buhay. Ang lakas na kinukuhanan ko ay si God. Alam kong may mas maganda Siyang plano para sa aken kesa sa naging plano ko. And that goes the same for you, mamsh. Another person na nagbibigay ng lakas saken is yung parents ko na suportado sa akin. Ang partner ko rin na kahit papano hindi ako iniwan. And of course, si baby na mismo. I will be 4 months pregnant this January 19 and although mahaba haba pa ang lalakbayin namin para masilayan siya, I am already doing what is best for him/her. Inaalagaan ko ng maayos sarili ko para maging healthy siya sa paglabas. Not only physically, but as well mentally and emotionally kase alam kong mkakaapekto yun sa kanya. So please, keep your chin up. Kaya natin to. Wag kang magalala 💜

Magbasa pa
6y ago

Thank you sis. Nakakapanglakas ng loob mga sinabi mo. Yes kapit lang kay Lord. 😊