My pregnancy story

Im 22 yrs old. Kakagraduate ko lang ng college pero di na nakapagtrabaho dahil nabuntis ako. Hindi ko pinapaalam na buntis ako kahit kanino until now na 35 weeks preggy na k. Ang nakakaalam lang family ko at malapit na friends ko. Nahihiya kasi ako parang feeling ko wala pa ko napatunayan. Kaya lagi lang ako nakakulong sa bahay ng partner ko. Nahihiya ako pagchismisan kapag umuwi ako samin. Kaya minsan iiyak nalang ako feeling ko di pa ko ready. Alam ko kasalanan ko kaya di natupad mga nakaplano ko sa buhay. Pero ngayon tinatatagan ko loob ko para sa baby ko and I know di kami papabayaan ni Lord.Need advice mga mommy, ano pampalakas ng loob nyo para makayanan lahat ng pinagdadaanan nyo habang nagbubuntis.

57 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

im a public school teacher. 23 yrs.old not yet married sa bf... araw araw pumupuntang school. malaki na ang tummy kaya klarong klaro talaga... 7 months na kong preggy... lahat ng mga kapitbahay namin ako lage pinagchichismisan, pagdating naman sa school co teachers ko naman nagchichismis about sakin... naturingang role model pero nagpabuntis kahit di pa kasal. 😅😅😅 sa bahay naman walang makausap, galit at dissapointed cla lahat... ang bf ko nasa ibang bansa... si baby lng ang tanging kausap ko. she is my motivation to move forward. hinding hindi ko ikakahiya pagbubuntis ko. oo buntis ako.. oo teacher ako.. oo role model ako.... pero tao lang din naman ako... oo buntis ako at masaya ako dahil may blessing na binigay si God sa akin... di nya basta basta ibibigay ang gift of life sa tyan ko kung hindi ko kya.. binigay niya ito dahil alam nyang kakayanin ko....... walakongpake....

Magbasa pa
6y ago

alam ko at naniniwala ako na tatanggapin din ng family ko ang situation ko.. di man ngayon pero alam matututunan din nila itong tanggapin. alam ko yun dahil magulang ko sila at mahal nila ako... naiintindihan ko cla dahil sa expectations nila sa akin kya ganun na lng reactions nila.... wala akong ibang karamay kundi pamilya ko lang..... mahal nila ako. yun ang pinanghahawakan ko.... 😊😊😊