My pregnancy story

Im 22 yrs old. Kakagraduate ko lang ng college pero di na nakapagtrabaho dahil nabuntis ako. Hindi ko pinapaalam na buntis ako kahit kanino until now na 35 weeks preggy na k. Ang nakakaalam lang family ko at malapit na friends ko. Nahihiya kasi ako parang feeling ko wala pa ko napatunayan. Kaya lagi lang ako nakakulong sa bahay ng partner ko. Nahihiya ako pagchismisan kapag umuwi ako samin. Kaya minsan iiyak nalang ako feeling ko di pa ko ready. Alam ko kasalanan ko kaya di natupad mga nakaplano ko sa buhay. Pero ngayon tinatatagan ko loob ko para sa baby ko and I know di kami papabayaan ni Lord.Need advice mga mommy, ano pampalakas ng loob nyo para makayanan lahat ng pinagdadaanan nyo habang nagbubuntis.

57 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sino po nagsabi na kapag nabuntis ng maaga eh hindi na pwedeng tumulong sa pamilya? paglabas ni baby, at pag malaki na sya pwede ka na po bumawi sa pamilya mo mamsh😊. Wag ka po panghinaan. Hayaan mo na po ung nga taong ijajudge ka. Di naman po sila makakatulong eh.

6y ago

Thank you mommy. Di pa huli lahat. 😊