My pregnancy story

Im 22 yrs old. Kakagraduate ko lang ng college pero di na nakapagtrabaho dahil nabuntis ako. Hindi ko pinapaalam na buntis ako kahit kanino until now na 35 weeks preggy na k. Ang nakakaalam lang family ko at malapit na friends ko. Nahihiya kasi ako parang feeling ko wala pa ko napatunayan. Kaya lagi lang ako nakakulong sa bahay ng partner ko. Nahihiya ako pagchismisan kapag umuwi ako samin. Kaya minsan iiyak nalang ako feeling ko di pa ko ready. Alam ko kasalanan ko kaya di natupad mga nakaplano ko sa buhay. Pero ngayon tinatatagan ko loob ko para sa baby ko and I know di kami papabayaan ni Lord.Need advice mga mommy, ano pampalakas ng loob nyo para makayanan lahat ng pinagdadaanan nyo habang nagbubuntis.

57 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wala sa edad ang pagtupad sa mga mithiin sa buhay. Wag ka mastress at mag isip nang negative dahil nakakasama yan sa baby mo. Mararamdaman niya yan. Dapat maging thankful ka kasi blessing ang pagkakaroon nang baby. Always pray lang,tatagan mo loob mo at wag ka mawalan nang pag asa. Samahan mo nang dasal ung pagpapatupad mo nang mga pangarap mo soon at gawin mong inspirasyon ang baby mo para mas lalo mong mapagtibayan ang kalooban mo kasi para din sa kanya ang lahat nang pagsisikap na gagawin mo. Hindi pa huli ang lahat, bawat araw na ibinibigay ni Heavenly Father para sating lahat ibig sabhin binibigyan niya tayo nang pagkakataong itama lahat nang pagkakamali natin at gawin ang tama at mga mithiin sa buhay. God bless momshie...

Magbasa pa