My pregnancy story

Im 22 yrs old. Kakagraduate ko lang ng college pero di na nakapagtrabaho dahil nabuntis ako. Hindi ko pinapaalam na buntis ako kahit kanino until now na 35 weeks preggy na k. Ang nakakaalam lang family ko at malapit na friends ko. Nahihiya kasi ako parang feeling ko wala pa ko napatunayan. Kaya lagi lang ako nakakulong sa bahay ng partner ko. Nahihiya ako pagchismisan kapag umuwi ako samin. Kaya minsan iiyak nalang ako feeling ko di pa ko ready. Alam ko kasalanan ko kaya di natupad mga nakaplano ko sa buhay. Pero ngayon tinatatagan ko loob ko para sa baby ko and I know di kami papabayaan ni Lord.Need advice mga mommy, ano pampalakas ng loob nyo para makayanan lahat ng pinagdadaanan nyo habang nagbubuntis.

57 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

9 months kalang namn sis magbubuntis, after nyan pede kana mag work .. wag mo pinag iisip ang sasabihin ng iba, hinde ka nabubuhay para sa iba, lahat ng tao may ibat ibang saloobin lahat yan may masasabi kahit n ano gawin mo.. hinde kasalanan ang mabuntis, ang mahalaga kasama mo ang tatay ng anak mo . ang mahirap jan ayy mabuntis ng hinde mo alam kung sino nakabuntis sayo..

Magbasa pa