My pregnancy story

Im 22 yrs old. Kakagraduate ko lang ng college pero di na nakapagtrabaho dahil nabuntis ako. Hindi ko pinapaalam na buntis ako kahit kanino until now na 35 weeks preggy na k. Ang nakakaalam lang family ko at malapit na friends ko. Nahihiya kasi ako parang feeling ko wala pa ko napatunayan. Kaya lagi lang ako nakakulong sa bahay ng partner ko. Nahihiya ako pagchismisan kapag umuwi ako samin. Kaya minsan iiyak nalang ako feeling ko di pa ko ready. Alam ko kasalanan ko kaya di natupad mga nakaplano ko sa buhay. Pero ngayon tinatatagan ko loob ko para sa baby ko and I know di kami papabayaan ni Lord.Need advice mga mommy, ano pampalakas ng loob nyo para makayanan lahat ng pinagdadaanan nyo habang nagbubuntis.

57 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Bata pa tayo Sir. Ako 24years old. Not planned rin dahil mahilig ako mag-rides, kami ng boyfriend ko tig-isa kasi kaming motor kaya gusto ko sana maenjoy, mag-gala sa maraming lugar pero dumating na ito sa amin. Tinanggap ako ng pamilya ko, yun ang mahalaga sa akin. Both sides ay masaya para sa amin. Wala tayong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Bata pa tayo, marami pang taon para makabawi tayo 💓

Magbasa pa