My pregnancy story

Im 22 yrs old. Kakagraduate ko lang ng college pero di na nakapagtrabaho dahil nabuntis ako. Hindi ko pinapaalam na buntis ako kahit kanino until now na 35 weeks preggy na k. Ang nakakaalam lang family ko at malapit na friends ko. Nahihiya kasi ako parang feeling ko wala pa ko napatunayan. Kaya lagi lang ako nakakulong sa bahay ng partner ko. Nahihiya ako pagchismisan kapag umuwi ako samin. Kaya minsan iiyak nalang ako feeling ko di pa ko ready. Alam ko kasalanan ko kaya di natupad mga nakaplano ko sa buhay. Pero ngayon tinatatagan ko loob ko para sa baby ko and I know di kami papabayaan ni Lord.Need advice mga mommy, ano pampalakas ng loob nyo para makayanan lahat ng pinagdadaanan nyo habang nagbubuntis.

57 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sis, it's not the end. Umpisa pa nga lang ulit to ng another phase sa life mo eh. Ganyan din ako nung una, feeling ko hindi pa ko nakakabawi nang todo sa family ko tapos ito na magkakaron na rin ako ng sariling family so medyo nalungkot talaga ako nung una and na-disappoint sa self ko. Pero nilabanan ko yun kasi alam kong binigay rin talaga ni God sakin yung baby ko ngayon at happy kami ni bf. Nauna lang talaga kesa sa plano ko pero I know na I'll still be successful. Basta, ipakita mong kaya mong panindigan and be happy about your pregnancy. Makakabawi ka pa rin naman once nakapag work kana eh basta bumawi ka sa mga taong tumulong sayo. Ignore the negative opinions of others, wla tayong magagawa sa taong tsismosa at matatabil ang dila. Wag ka mag overthink sis. I'm telling you sa una lang yang mga nega comments once nalabas na si baby at nakita nilang masaya ka puro "congrats" na yang maririnig mo. 😅😂😁😇

Magbasa pa