My pregnancy story

Im 22 yrs old. Kakagraduate ko lang ng college pero di na nakapagtrabaho dahil nabuntis ako. Hindi ko pinapaalam na buntis ako kahit kanino until now na 35 weeks preggy na k. Ang nakakaalam lang family ko at malapit na friends ko. Nahihiya kasi ako parang feeling ko wala pa ko napatunayan. Kaya lagi lang ako nakakulong sa bahay ng partner ko. Nahihiya ako pagchismisan kapag umuwi ako samin. Kaya minsan iiyak nalang ako feeling ko di pa ko ready. Alam ko kasalanan ko kaya di natupad mga nakaplano ko sa buhay. Pero ngayon tinatatagan ko loob ko para sa baby ko and I know di kami papabayaan ni Lord.Need advice mga mommy, ano pampalakas ng loob nyo para makayanan lahat ng pinagdadaanan nyo habang nagbubuntis.

57 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I was 22 too when I got pregnant, wala pang isang buwan na graduate ako non. My family was disappointed but then they accepted it. Wala din masyadong naka alam non, only my family and some of my friends. Sadly, I lost my baby. I focused myself sa work after my miscarriage but after a few months, I got pregnant again, turning 23 na ako and I am 30 weeks pregnant. Sa ngayon, halos walang nakaka alam. Only mine and my boyfriend's family. Sa sitwasyon ngayon, natatakot ako manganak. I have my family with me but my boyfriend is not here whom I feel I needed the most. Kung kailan manganganak na ako saka pa sya nakapasok sa training. Napaka hirap as in. Pero kailangan kayanin kahit para na lang kay baby.

Magbasa pa
5y ago

And I think, being silent is better. You will protect yourself and your baby sa mga tsismis. As long as you have your family and loved ones supporting you, there's nothing to worry about.