My pregnancy story

Im 22 yrs old. Kakagraduate ko lang ng college pero di na nakapagtrabaho dahil nabuntis ako. Hindi ko pinapaalam na buntis ako kahit kanino until now na 35 weeks preggy na k. Ang nakakaalam lang family ko at malapit na friends ko. Nahihiya kasi ako parang feeling ko wala pa ko napatunayan. Kaya lagi lang ako nakakulong sa bahay ng partner ko. Nahihiya ako pagchismisan kapag umuwi ako samin. Kaya minsan iiyak nalang ako feeling ko di pa ko ready. Alam ko kasalanan ko kaya di natupad mga nakaplano ko sa buhay. Pero ngayon tinatatagan ko loob ko para sa baby ko and I know di kami papabayaan ni Lord.Need advice mga mommy, ano pampalakas ng loob nyo para makayanan lahat ng pinagdadaanan nyo habang nagbubuntis.

57 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

it's okay mumsh, ako po 19 lang ngayon & preggy, nandoon yung takot at hiya ko. pero lagi ako nire-remind ng mother ko na hindi nila ikakahiya dahil anak nila ako kahit ano pang sabihin ng ibang tao, kaya lumalakas din ang loob ko 😊 hindi pa naman huli ang lahat para sa mga plans mo, naudlot man yung mga unang plano natin, nagkaroon naman tayo ng mga bagong plano. kaya natin to! yung makapag tapos ka, napaka laking bagay na yun na maipagmamalaki mo. at para din sa ibang teen mom na nag stop sa pag aaral, pede pa tayo makatapos, hindi naman purkit may anak na di na pede mag aral. fight fight fight!!! ❤️❤️

Magbasa pa