HELP PO. PLEASE. ?

(EDITED NA PO YUNG POST WALA NA PONG TAKIP YUNG NAME NG OB KO AND AYAN PO FULL CONVO. May dalawang screenshot pa po na di nasama kasi 6 photos lang po inaallow Kasalanan ko pong majudge sa comment section dahil accidentally ko po na hide name ko sa post. Nakalagay na din po sa comment section yung ID's ko po. Ilalagay ko din po yung screenshot ng laman po ng GCASH if ever na may magsesend po para po mamake sure na Pho 1,588 lang po yung malilikom para sa baby ko po. Salamat po ng sobra) I'm 19 weeks and 3 days pregnant. Nung tuesday po ng umaga, sobrang sakit ng ulo ko. Yung puson ko naninigas, humihilab pero tolerable naman po. Hindi siya totally masakit. Nung hapon medyo tumamlay na ako. Di na ako makabangon dahil sa sobrang sakit ng ulo ko po. Nung gabi po, ganun pa rin. Hilo at sakit ng ulo po yung iniinda ko, kaso nagkaroon na po ng interval yung paninigas ng puson ko. Hanggang sa may kirot na. Inadvise po ni dra na itaas yung paa and maglagay ng unan sa balakang kasi baka nag pe-pre term labor na po ako. Nagpagawa siya ng ultrasound ulit at labtest (Urinalysis, CBC, BP, Weight) na kailangan gawin ng wednesday morning. Wednesday morning came pero wala pa rin po dahil wala kaming hawak na cash. Kagabi po sobrang worst na ng pain naiyak na talaga ako. Nakikiusap kay baby na kumapit siya dahil siya na yung buhay ko. Yung savings po namin naubos dahil 2months kaming nakalockdown at hindi applicable yung WFH samin. Walang SAP, form, o DOLE po na natanggap dahil hindi inuna daw po unahin yung mababang business bigyan. Yung partner ko po kakabalik lang ng work, pang 7th day pa lang niya po dapat kagabi pero di po siya nakapasok dahil di niya ako maiwanan mag-isa, at yung sasahurin niya ay kailangan po ibayad sa June 3 sa bahay. Una at huling ultrasound ko po is March 11 pa, stated po yung receipt below. Hindi na po naibalik kay OB para basahin kasi naglockdown na po at wala ng clinic. Thursday na po ngayon nawalan na ako ng choice kundi humingi ng help sa parents ko, pero ang sabi nila dun daw gawin which is 1-2 hours pa na byahe at hindi po inallow yun ng OB ko dahil baka tuluyan akong makunan. May light bleed na po ako ngayon umaga. ? Hindi ko po kayang mawala baby ko. Please tulungan niyo po ako. ₱1,588 po yung ultrasound sa Metro Antipolo, please, kailangan ko po ng 1,588 na mommies na pwede po magsend ng ₱1.00 sa GCash ko po. Please po. ? Promise mag-uupdate po ako dito sa post na 'to ng labtest ko and ultrasound na gagawin kay baby ngayong araw. Pangako po. Please po. ? GCash Number: 09453069256

HELP PO. PLEASE. ?
59 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi sis. Anytime you need a cheaper option sa UTZs please try Citymed, located sa Sumulong lagpas lang Putok Batok/Antipolo Med. Mas mura sya kesa sa Metro Antipolo, OB Sono din ang gagawa, Dra. Pascua. :)

5y ago

Yessss. Pero ngayon if gusto mo mas budget friendly, bukas na din Megason although di OB Sono ang maguUTZ kaya di ko marecommend. Pero mas mura kasi 350 lang ang pelvic utz nila. I hope you and baby get better soon.

Galing na po kami ng Metro Hospital. Nakapagpasched na po for ultrasound tomorrow. Nakapag-urinalysis na din po ako ngayon bukas po yung result. Maraming salamat po sa help. ❤️

Post reply image
VIP Member

Naku mommy, pag naninigas po and walang movement, contraction po yun 3 days po ako naconfine, nagbleeding po kc sabi ng ob ko pre term labor kaya niresetahan ako ng pampakapit and total bedrest ako ngayon.

5y ago

Hello po. Yung sakin naman po wednesday morning po yung light bleed lang po. Pero nawala din naman po. Sabi nga din po ng OB ko preterm labor po yung naeexperience ko, though nung nagconsult po kasi ako sa kanya nung tues wala pang bleeding kaya hindi po siguro ako pinaconfine? Hoping na wag po sana. 🥺 Pinagbebedrest din po ako pero need po muna ng panibagong ultrasound which is gagawin today po ng 11:00 AM. Si baby po wala pang movement talaga eversince po. Although may pitik pitik naman po kahit papaano. As per my OB normal lang daw po na di ko pa siya maramdaman since 19-20 weeks pa lang po tummy ko. May iba naman po 16 weeks pa lang malikot na daw po yung baby. 😊

Hello. I wish I could help you pero I dont know how to buy load/points or whatever you call it via GCash. May GCash ako kaso walang balance kasi di ko alam paano magload. Paano ba magload?

5y ago

Pwede po transfer from bank account. Di ko pa lang magawa ngayon kasi need pa daw ng verification within 24hours kasi kaka-link ko lang sa bank account ko sa gcash ko.😂

Hi. This is me po, yung nag-post. Hindi ko po intentional pinindot yung anonymous, hindi ko po ma-edit kung paano makita yung name. Sobrang rattled lang po talaga kanina habang nagta-type.

5y ago

Kung 19 weeks ka na pelvic exam lang siguro gagawin sayo. Mas mura yun kesa sa unang UTZ na ginawa sayo.

VIP Member

Miss kung totoo man na need mo ng help tanggalin mo yung anonymous mo, for security reasons na rin ng comembers here. And also, maraming murang clinic sa Antipolo. Wag ka jan sa Metro.

Post reply image
5y ago

Pati po yung screenshots, nakashow up na po name ng OB ko and full convo po yung nandyan.

Urinalysis po. 2-3 hours po result kaso di ko po siya maantay ng ganun katagal since need magrest kaya bukas nalang din po ng morning kukunin result after ng ultrasound. 😊

Post reply image
5y ago

Kamusta may bleeding ka pa din? Baka UTI findings sa ihi mo. .

UPDATE PO SA FUNDS PARA SA BABY KO PO: From: Ate Mitzi Villanoza Ate Jennelyn Lim Ate Lalyn Mendoza Ate Angelica Mallete THANK YOU SO MUCH PO. 😭❤️

Magbasa pa
Post reply image

Hi mamsh hoping for the best to the both of you ni baby. Nag send ako nang money it will help kahit paano sensyahan mo na. God bless mamsh stay positive 😇

5y ago

Thank you so much po ate Jerah! May God bless you po. ❤️

mukha nmn pong legit si momshie, tumulong nalng yun gusto, konsensya nlng nya kung nanloloko sya. maybe ultrasonologist ang ibig sabihin ni doc. hehe

5y ago

👍