UTI
Im 17weeks pregnant, mga momsh, 3x na ko nagpapacheck up same hospital, wala silang ibang chinecheck kundi yung UTi ko, ni hindi nagbibigay ng reseta for vitamins. Alam ko sa sarili ko na mababa na yung UTI ko since lagi ako binibili ni hubby ng buko juice and cranberry juice, once nagpa-lab test ako at normal urine ang kukunin sakin, mababa naman, so ang gagawin nila icacathether nila ko. There was time na nagdugo yung “ano” ko dahil sa pag cathether, pero hindi sinabe ng nurse in charge sa OB na ayun yung reason ng pagdudugo, kaya niresetahan ako ng mas mataas na dosage ng gamot, dahil akala niya sobrang taas na ng uti ko dahil may blood na daw yung ihi ko, pero di ako uminom. For now, bukod sa folic acid, wala pa kong ibang vit na iniinom, dahil nga hindi sila nagrereseta. Lagi din ako inuultrasound for fetal heartbeat, pero wala silang sinasabe kung ano sitwasyon ni baby, kung normal ba yung paglaki o normal ba yung heartbeat niya. Ang focus lang nila puro UTi. Hindi rin nila halos pinapansin na hindi ako masyado nag gegain weight kahit sobrang lakas ko na kumain.