Teen mom

hi im 15 yrs old pregnant , na woworry ako na baka magalit mother ko saken ano po gagawin ko?

98 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wag ka maooffend, girl ha. Maaring nagkulang ka din sa respeto sa mga magulang mo. Alam mo naman sa sarili mo sa simula pa lang na magagalit sayo mom mo pag maaga ka nabuntis, pero, gumawa ka pa din ng hindi tama.Alam mo ba kung gaano kahirap ang buhay? Minsan yung mga nakapagtapos na mg pag aaral hirap pa humanap matinong trabaho. Pag kumita ka, iisipin mo pa paano pagkakasyahin hanggang sa susunod sa sahod? Eto kasi hirap sa ibang kabataan-akala nyo pag nag bf/gf kayo, ganun na lang. Wala pa kayong trabaho. Baka nga yung ginagastos nyo pang monthsary nyo, galing pa sa bulsa ng parents nyo. Minsan mga hindi na nakikinig, tapos pag may problema na..saka lang maaalala yung magulang. Maaring tanggapin nila at maintindihan ang sitwasyon mo ngayon. Pero alam mo ba na bago sila matulog o may pagkakataon, dun sila umiiyak..nag iisip saan ba sila nagkulang at nagkamali. Wag natin abusuhin yung di tayo natitiis ng magulang natin. Di sa lahat ng oras,.tayo yung sasandal sa kanila. Pero girl, maging lesson sana to sayo. Tanggapin mo ang mga salitang bibitawan nila. Iharap mo na din sa parents mo ang tatay ng baby mo bilang pag galang. Wag mo na ulitin yung pagkakamaling minsan mo nang nagawa. Habang bata ka pa, kargo ka ng magulang mo. At ngayong magkaka baby ka na, maging responsable ka na sana. Punan nyo sya ng pagmamahal. Bumawi ka sa parents mo. Ipakita mo na kaya mo panindigan ang ginawa mo kasama ng guidance nila 😊 Blessing pa din si baby sayo. Maaring napaaga sya ng dating para mas maaga kang matuto at mamulat kung paano nga ba talaga mamuhay.

Magbasa pa