31 weeks pregnant

Ilang weeks na lang talaga ay makikita ko na ang mini me ko pero hindi ko pa rin nasasabi sa parents ko. Broken family kami yung papa ko nasa Davao yung mama ko nasa abroad, recently lang din kami nagkaayos ng mama ko kasi nagkamisunderstanding kami dahil sa papa ko na inaabutan ko ng pera mula ng nagkawork ako. Kapatid ko pa lang nakakaalam and yung side ni hubby. Gustong gusto kong humingi ng tips at magkwento sa mama ko tungkol sa mga experiences ko sa pagbubuntis pero natatakot ako na pag sinabi ko ay baka hindi ulit kami na mag-usap and hindi ko kaya yun. Ang tagal ko ng nag-iipon ng courage, sabi ko last time ay sasabihin ko na lang sa New Year pero palipas na ang January 1 at hindi ko pa rin nasasabi hays. Ito yung isa sa mga bagay na nagpapastress sa akin throughout my pregnancy. ??

31 weeks pregnant
1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako rin po. I'm a freshly grad and ang high ng expectation ng mga magulang ko sakin. Pero wala e. Nandito na to. Nagalit papa ko nun sa boyfriend ko. Halos isumpa na nya. Pero unti unting natanggap ng papa ko kasi wala na syang magagawa tsaka first Apo at ginawa lahat lahat ng partner ko para mapatunayan nya sa papa ko na deserve nya ako at respeto ng papa ko. Mas mabuting sabihin mo na ngayon sis. Kasi mahirap yung ganyan. Mahal mo baby mo right? Kung mastress ka, ganun din si baby. Tsaka "walang magulang na kayang pabayaan ang anak". Trust me, mahal tayo ng mga parents natin. Tsaka mama mo yan, mothers knows best. πŸ’™

Magbasa pa