Cerelac
Ilang months po kayo nag introduce ng foods kay baby? Like cerelac? Thankyou. And ilang beses po sa isang araw? At gaano karami? Hope na may mga sumagot.

6 months pero pakonti konti lang... pureed veggies ang mas maganda ipakain sa baby... also fruits... minsan cerelac pero paminsan minsan lang.... yong sa baby ko kalagitnaan ng 7months ko pinakain kasi hindi p marunong ngumuya at lumunok ng 6months kaya pinasanay muna namin na sinusubuan ng biscuit or bread.... and isang klase lang ng veggies ang pinapatikim namin bago yong may combination na.... yong pinapakain ko combination ng veggies ex. 1.kalabasa, carrots, broccoli, okra,at maluggay... mas madami yong kalabasa kasi para matamis lasa minsan naman 2.kalabasa,carrots,sayote,broccoli, potato at malunggay 2.kalabasa with malunggay laging may malunggay... may tanim naman kami...kaya fresh yong ibang gulay. sa fruits naman.... papaya, apple, orange, grapes, pears, manga 3 times a day ko pinapakain baby ko umaga , lunch at sa hapon.... small serving lang naman per meal... basta isang fruits everyday kadalasan papaya pinapakain ko kasi nagtitibi sya before ng mag7 months sya problema namin yon... ngayon 3 to 4 times ng poops sa maghapon ....hindi narin matigas.... marami namang ma sesearch n recipe for babies food na healthy... ngayon 9 Months n sya nakita ko yong improvement ng katawan ng baby ko nag gain sya ng weight at muscle hindi fats... siksik yong katawan nya simula ng everyday veggies.... hindi kasi sya breastfed , formula lang parang hindi sya ng gagain ng weight ng maayos....ngayon dahil may solid foods na syang nakakain mas nagiging maganda yong pagbigat nya hindi tabain pero siksik yong katawan. tiyagaan lang tlga and mahabang pasensya kasi messy at minsan may tantrums pag pinapakain....
Magbasa pa


—