Ilang months ba dapat binyagan si baby?

6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sa katunayan po, wala naman pong specific na months kung kailan kailangang pabinyagan ang bata. Nasasa magulang po iyan kase hindi naman po makakapag decide ang mga bata e. Hindi po kailangang mag handa kapag papa binyagan kaya po minsan ang mga magulang pinapaliban po ang pabinyag sa kadahilanang wala pang pera. Hindi po matutuwa ang mga pari kapag yaan ang naging rason sa hindi pagpapa-binyag maging sa pagpapakasal. Ang mahalaga po ay ang willingness ng mga magulang at presence po ng isang pares na ninong at ninang at least. Kung aalalahanin naman po natin ang fee (Arancel po ang tawag) ng opisina ng parokya ay sa pagkakaalam ko po ay minimal lang po iyan kahit sa cathedral pa po kayo magpapa binyag. Kung talaga naman pong walang wala ang magulang as in kapos na kapos pero andon pa din ang kagustuhang pabinyagan ang kanilang anak ay pwede po iyan sabihin sa sekretarya ng parokya at kausaping personal ang kura paroko at maari pong ma pro bono or ma-waive ang arancel.

Magbasa pa