If hindi kayo pwedeng magkaroon ng anak, anong mas pipiliin niyo, mag ampon or kumuha ng surrogate mother?

76 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Based on my experience nag adopt din kami before nong akala namin di na kami magkakaanak . Sa lahat ng bagay na nagyari sa buhay ko yun ang pinaka magandang decision na nagawa ko sa buhay . Alam din kasi namin na matagal na naming ninais na magkaroon ng anak at sa pag kakataong yun di namin pinaligtas yung opportunidad na ipadama ang tunay na pag mamahal ng isang magulang sa isang anak ampon man ito,di namin pinakita sa kanya na iba sya sa amin. Tinanggap namin sya ng buong buong at walang kapalit na pagmamahal ang pinadama namin sa kanya. Ngayon his 16 years old na ganon paman di kami nagkulang sa pagpapalaki sa kanya at sa kalaunan nag karon pa sya ng kapatid nong biniyayaan kami ng isang supling . Di nag laon sinabi din namin sa kanya ang katutuhanan ngunit di naman nag bago ang pagtingin nya samin at lalo pa kaming naging buo at matatag hangang ngayon .

Magbasa pa