Pang iinsulto

UPDATE: 11/16/2020 9:15PM Wala po akong ginawa sa kanila. Kaya nga nagtataka ako bakit nila ako ginaganito. In fact as early as 7 years old nag attempt na ako mag suicide nang dahil sa kanila. What could have I done at 7 years old? Laging ako ang topic nila ng tatay at kuya ko pag sila sila lang magkausap. Pag galit sila sakin damay mag ama ko. Kesyo lalaking maldita raw ang anak ko at masama ang ugali dahil sakin. Ano bang nagawa ko? Hindi ako naging madamot sa kanila nang tulad ng sinasabi nya. Sa katunayan nung kabataan ko pag nagbabakasyon ako sa tita ko iniipon ko ung weekly allowance na binibigay sakin ng tita ko tapos every Friday pupunta kami sa Mercury ng pinsan ko para mamili ng ipapauwi ko sa nanay ko pagdalaw nya sakin ng kina Saturday. Walang natitira sakin ni piso sa 100 pesos na binibigay ng tita ko. Lahat binibili ko ng ipapauwi para sa kanila. Nung stable na ako sa work ko lahat halos ng gusto nila binibigay ko. Gusto nya ng 2 door na ref? Sige. Gusto nya ng twin tub n washing machine? Sige. Gusto nya ng bags? Sige halos monthly pa nga bago ako nagbuntis binibilihan ko sya ng bags sa SM. Gusto nya ng bagong mga damit? Sige lang kahit supposedly ako ung bibili kasi buntis ako at wala nang kasya sakin. Gusto nila kumain sa ganito? Sige lang. Gusto nila ng bagong phone? Go. Groceries? Push. Load? Magkano ba? You see, hindi ako naging madamot sa kanila. Lahat-lahat kung kaya ko ibibigay ko kahit magkabaon baon ako sa utang sige lang. Ngayon ung paglipat namin ng baby ko, in reality hati kami ng asawa ko dito. Sya sa pagawa ng bakod at gate, ang toka ko ay lahat ng gamit sa loob ng bahay. Hindi yan alam ng family ko. Ang alam nila asawa ko gumastos lahat. Bakit? Kasi sinusumbatan ako ng nanay ko na kesyo pagdating sa asawa ko lumalabas daw ang pera ko. Bakit hindi ko naman sila pinagdamutan ah? Naoperahan sya naglabas ako ng 40k plus 12k. Pina second floor ung bahay nila nagbigay din ako kaso 30k lang kasi wala akong work nun. Binayaran ung balance ng bahay na un, hati kami ng kapatid ko. Ang problema lagi nyang kinukumpara ung kapatid ko sakin kesyo lagi raw syang binibigyan ng pera. May baby na ako mahirap ba intindihin? Ang gusto kasi nya asawa ko lang gagastos ng lahat-lahat sa anak namin. Bakit e may trabaho naman ako at anak ko rin to? Ngayon may sakit ung anak ko. Bumili sila ng palabok kahapon ng umaga, iniwan sa lamesa maghapon tapos pinakain nila ung baby ko past 5pm. Andami pang kinain. Nilalagnat ung bata at nagda diarrhea. Sabi ng pedia bawal daw sa baby ung palabok. Never ko pinakain ng palabok ang baby ko dahil iniisip ko baka hindi pa pwede. Tapos nung isang araw wala ako nasa grocery ako naaksidente naman ung baby ko, sumubsob daw sa floor tumama raw gilid ng noo at pisngi. Pag kaming mag-ina lang wala namang nangyayari sa kanyang kung anu-ano. Jusko talaga. Gustung-gusto ko nang humiyaw sa nararamdaman ko Original Post: I was diagnosed with Bipolar Disorder and Chronic Depression in late 2013. Ang naging reason ng pag papacheck ko sa psychiatrist noon e dahil I was super suicidal. Hindi lang sya basta suicidal, ilang beses ko na syang ginawa. At ang dahilan? Sariling pamilya ko mismo. Ang pangit ng trato nila sakin. Halos araw-araw na ginawa ng Diyos kinukutya ako ng nanay ko. Kesyo masama raw ugali ko, at ang latest, BUBWIT LANG DAW AKO. Tiniis ko un hanggang 29th ko. And dahil hindi ko na talaga kaya, nag decide kami ng asawa ko na mag move out na kami. He's working abroad so kami lang ni baby nag move out. We've had this house for 5 years pero super busy sa work wala kaming time para asikasuhin. My baby and I moved out last month. Okay naman mahirap lang kasi naka wfh ako then ako rin gumagawa ng lahat-lahat sa bahay since wala naman kaming kasambahay and I have no plans of hiring one. May times pumupunta ang family ko dito samin kasi dinadalaw nila ang baby ko. Currently nandito sila nagsstay samin ng baby ko kasi binaha sila dun sa kabilang bahay due to nakalipas na bagyo. Bahain talaga dun. So syempre kahit super toxic sila, tinanggap ko sila syempre pamilya pa rin di ba? Malaki naman tong bahay so go. Pero I am starting to regret the decision I made. Nung kami lang ng baby ko ang nandito tahimik kami. Walang stress, walang toxic, walang bunganga nang bunganga, walang nagsisigawan, maayos ang bahay na parang walang 1 year old na nakatira. Everything is in place. Malinis. Walang langgam. Nung nandito na sila and it happens all the time, ang gulu-gulo ng bahay, ang dumi, sandali pa lang sila sa kusina may langgam invasion na agad, binabago nila ung mga ayos ko sa bahay, sila ang nasusunod halimbawa gusto ko nang itapon ung mga kahon ng kung anu-ano dahil ayaw ko nang makalat sila nagagalit pag gusto ko magtapon, dikta sila nang dikta ng gagawin, nakikipag away pa sa trabahador na gumagawa dito sa bahay, awayan sila nang awayan, basta lahat ng rules ko ayaw nila sundin gusto nila kung anong gusto nila un ang susundin ko. At ang pinaka malupit, iniinsulto ako sa loob ng sarili kong pamamahay. Tinawag akong bubwit. Bubwit lang daw ako. Bubwit lang din daw ang utak ko. At dapat daw kahit pagmumurahin daw nya ako dapat daw hindi ako papalag kasi magulang daw sya. E di wow di ba? Respect begets respect no matter who you are. Ni hindi ako makakilos nang gusto ko kasi lahat pinupuna at pinapakeelaman nila. Ni hindi magawang magsalita ng asawa ko nang malakas pag naka videocall sila ng anak namin lagi lang syang naka mute. Pucha parang ako ung nakikitira. I am seriously starting to feel like super hopeless again. Tipong sana mawala na lang ako e pucha matapos na ung panggagago sakin ng sarili kong pamilya

18 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Lakasan mo loob mo ' kahit na magulang mo sila may karapatan ka magsalita ng nsa loob mo kaya nga tayo nagbuo ng sariling pamilya para makapagdesisyon ng sarili natin.So you must tell them what you feel tapos na yung responsibilidad nila para sayo may sarili kanang buhay na dapat irespeto nila at tanging gabay nlng ang pwede nila ibigay sayo .Wag kang mawalan ng lakas ng loob.Kawawa ang anak mo at asawa mo.😌 God will always be there for you .❀

Magbasa pa

I think, pwede mona kausapin nanay mo, okay lang kung di mona kaya labas molang dito lang ang TAP to listen and give you adviced, if sakali since bahay moyan ikaw ang dapat masunod pwede naman kahit magalit sila kasi bahay me naman yan at kaya mo naman na kahit wala sila. oo mahirap na magalit sila kasi magulang mo/pamilya kesa magtiis ka na laging nasasaktan ka at malaking depression sayo ang nangyayari. better ipaalam mo sakanila ang sitwasyon mo

Magbasa pa
Super Mum

I'm clinically diagnosed with bipolar depression and major depressive disorder. Kakadischarge ko lang last month dahil nag suicide na naman ako. Under medication pa rin ako. I know how it feels like although supportive naman ang own family ko. Yung husband ko ang isa sa mga triggers ko. It seems like family ang triggers mo. Sorry to say pero habang andyan sila matitrigger ka lang talaga. Your house, your rules mommy.

Magbasa pa

This is really sad. Pero sis, bahay mo yan. Kahit pa ba family mo sila. To think na ikaw ang may ari at hindi ka naman umaasa sa pamilya mo para makapag establish ng sariling tirahan ikaw and dapat masunod. Bahay mo, rules mo. It's sad to hear that they treat you like bubwit to think na ikaw nag bigay ng shelter sa kanila bilang nasalanta sila. Hope everything will be alright with you sis.

Magbasa pa

may sarili ka ng pamilya momsh. Hindi nmn masamang tulungan ang kapamilya, pero di nmn tama na iniinsulto ka nila lalo pa nasa sarili mong bahay. Bahay mo yan, ikaw mas nkakaalam ng dapat at tama. Try to talk with them and sabihin mo mga dapat mong sabihin para maging maayos. And hindi maganda na laging makakarinig ng panlalait at negative words. Di mo deserve un Momsh.

Magbasa pa

Grabe may ganan palang pamilya ? Parang d mo cla tunay na pamilya literal na baka hndi ka tunay na anak. Sorry for the words, Mga abnormal ba cla ? Or baka my nagawa k din sknila kaya ganan samahan nyo. Ewan kc ang hirap maniwala sa panahon ngyon. Pwede mo naman cla paalisin dyan in a nice way. Kausapin mo ng maayos. Sarili mo lang din mkktulong sayo. Stay strong po Godbless

Magbasa pa
4w ago

Totoo. Lately lang may binalibag na bata ng sarili nyang ama sa kalsada. Not sure kung may mental disorder or lango lang sa droga ung ama. Pero ayon sa police may record na sa drugs ito. Pero ung ina parang di nagdadalamhati sa pagkawala ng anak nya. Puch* ni walang luha. Mas natakot pa siya na baka makulong siya instead na magalit sa ama na syang pumatay sa sarili nilang anak. I think baka magkasession pa sila. Buti pa ung lola kitang kita ung sinsiridad sa pagkawala ng apo. 😒

Super Mum

mommy, if kailangan isigaw, umiyak gawin mo.. makakatulong po yun para mabawasan ang bigat na napifeel mo. and yes, di basta basta nagpapakain ng palabok considered as " malamig sa tyan" na pagkain yan what more pa na maghapon na natengga, mabilis masira din kasi yun. hope your baby is feeling better now.. πŸ™πŸ™β€β€β€

Magbasa pa

If wala n po baha s bahay ng parents mo, pwd mo n cla kausapin n bka pwdng bmalik n cla dun (though hnd mgging maganda s pandinig nla kc bka isipin nla n pnplayas mo n cla). Mahirap po kc n my ksama k s bahay n toxic n nga, akala mo cla p ung my ari ng bahay.. Gawin mo ang nararapat, yung tama pra sayo at s baby mo..

Magbasa pa

talk to ur husband, sya ang makipag usap sa parents mo or kahit kanino sa fam mo if wala kang lakas ng luob. so wat if they get mad, reality talk, kung wala naman silang pakinabang sa buhay mo, maging civil na lang kayo. dont let them be the reason para maiwan mo in this life si baby mo. fight Girl! Godbless

Magbasa pa
Super Mum

hold on mommy. you still have your little one... sabi nga " what you allow is what will continue, you have the power to stop the way they are mistreating you.keep the faith, praying for you πŸ™πŸ™πŸ’™β€