Pang iinsulto

UPDATE: 11/16/2020 9:15PM Wala po akong ginawa sa kanila. Kaya nga nagtataka ako bakit nila ako ginaganito. In fact as early as 7 years old nag attempt na ako mag suicide nang dahil sa kanila. What could have I done at 7 years old? Laging ako ang topic nila ng tatay at kuya ko pag sila sila lang magkausap. Pag galit sila sakin damay mag ama ko. Kesyo lalaking maldita raw ang anak ko at masama ang ugali dahil sakin. Ano bang nagawa ko? Hindi ako naging madamot sa kanila nang tulad ng sinasabi nya. Sa katunayan nung kabataan ko pag nagbabakasyon ako sa tita ko iniipon ko ung weekly allowance na binibigay sakin ng tita ko tapos every Friday pupunta kami sa Mercury ng pinsan ko para mamili ng ipapauwi ko sa nanay ko pagdalaw nya sakin ng kina Saturday. Walang natitira sakin ni piso sa 100 pesos na binibigay ng tita ko. Lahat binibili ko ng ipapauwi para sa kanila. Nung stable na ako sa work ko lahat halos ng gusto nila binibigay ko. Gusto nya ng 2 door na ref? Sige. Gusto nya ng twin tub n washing machine? Sige. Gusto nya ng bags? Sige halos monthly pa nga bago ako nagbuntis binibilihan ko sya ng bags sa SM. Gusto nya ng bagong mga damit? Sige lang kahit supposedly ako ung bibili kasi buntis ako at wala nang kasya sakin. Gusto nila kumain sa ganito? Sige lang. Gusto nila ng bagong phone? Go. Groceries? Push. Load? Magkano ba? You see, hindi ako naging madamot sa kanila. Lahat-lahat kung kaya ko ibibigay ko kahit magkabaon baon ako sa utang sige lang. Ngayon ung paglipat namin ng baby ko, in reality hati kami ng asawa ko dito. Sya sa pagawa ng bakod at gate, ang toka ko ay lahat ng gamit sa loob ng bahay. Hindi yan alam ng family ko. Ang alam nila asawa ko gumastos lahat. Bakit? Kasi sinusumbatan ako ng nanay ko na kesyo pagdating sa asawa ko lumalabas daw ang pera ko. Bakit hindi ko naman sila pinagdamutan ah? Naoperahan sya naglabas ako ng 40k plus 12k. Pina second floor ung bahay nila nagbigay din ako kaso 30k lang kasi wala akong work nun. Binayaran ung balance ng bahay na un, hati kami ng kapatid ko. Ang problema lagi nyang kinukumpara ung kapatid ko sakin kesyo lagi raw syang binibigyan ng pera. May baby na ako mahirap ba intindihin? Ang gusto kasi nya asawa ko lang gagastos ng lahat-lahat sa anak namin. Bakit e may trabaho naman ako at anak ko rin to? Ngayon may sakit ung anak ko. Bumili sila ng palabok kahapon ng umaga, iniwan sa lamesa maghapon tapos pinakain nila ung baby ko past 5pm. Andami pang kinain. Nilalagnat ung bata at nagda diarrhea. Sabi ng pedia bawal daw sa baby ung palabok. Never ko pinakain ng palabok ang baby ko dahil iniisip ko baka hindi pa pwede. Tapos nung isang araw wala ako nasa grocery ako naaksidente naman ung baby ko, sumubsob daw sa floor tumama raw gilid ng noo at pisngi. Pag kaming mag-ina lang wala namang nangyayari sa kanyang kung anu-ano. Jusko talaga. Gustung-gusto ko nang humiyaw sa nararamdaman ko Original Post: I was diagnosed with Bipolar Disorder and Chronic Depression in late 2013. Ang naging reason ng pag papacheck ko sa psychiatrist noon e dahil I was super suicidal. Hindi lang sya basta suicidal, ilang beses ko na syang ginawa. At ang dahilan? Sariling pamilya ko mismo. Ang pangit ng trato nila sakin. Halos araw-araw na ginawa ng Diyos kinukutya ako ng nanay ko. Kesyo masama raw ugali ko, at ang latest, BUBWIT LANG DAW AKO. Tiniis ko un hanggang 29th ko. And dahil hindi ko na talaga kaya, nag decide kami ng asawa ko na mag move out na kami. He's working abroad so kami lang ni baby nag move out. We've had this house for 5 years pero super busy sa work wala kaming time para asikasuhin. My baby and I moved out last month. Okay naman mahirap lang kasi naka wfh ako then ako rin gumagawa ng lahat-lahat sa bahay since wala naman kaming kasambahay and I have no plans of hiring one. May times pumupunta ang family ko dito samin kasi dinadalaw nila ang baby ko. Currently nandito sila nagsstay samin ng baby ko kasi binaha sila dun sa kabilang bahay due to nakalipas na bagyo. Bahain talaga dun. So syempre kahit super toxic sila, tinanggap ko sila syempre pamilya pa rin di ba? Malaki naman tong bahay so go. Pero I am starting to regret the decision I made. Nung kami lang ng baby ko ang nandito tahimik kami. Walang stress, walang toxic, walang bunganga nang bunganga, walang nagsisigawan, maayos ang bahay na parang walang 1 year old na nakatira. Everything is in place. Malinis. Walang langgam. Nung nandito na sila and it happens all the time, ang gulu-gulo ng bahay, ang dumi, sandali pa lang sila sa kusina may langgam invasion na agad, binabago nila ung mga ayos ko sa bahay, sila ang nasusunod halimbawa gusto ko nang itapon ung mga kahon ng kung anu-ano dahil ayaw ko nang makalat sila nagagalit pag gusto ko magtapon, dikta sila nang dikta ng gagawin, nakikipag away pa sa trabahador na gumagawa dito sa bahay, awayan sila nang awayan, basta lahat ng rules ko ayaw nila sundin gusto nila kung anong gusto nila un ang susundin ko. At ang pinaka malupit, iniinsulto ako sa loob ng sarili kong pamamahay. Tinawag akong bubwit. Bubwit lang daw ako. Bubwit lang din daw ang utak ko. At dapat daw kahit pagmumurahin daw nya ako dapat daw hindi ako papalag kasi magulang daw sya. E di wow di ba? Respect begets respect no matter who you are. Ni hindi ako makakilos nang gusto ko kasi lahat pinupuna at pinapakeelaman nila. Ni hindi magawang magsalita ng asawa ko nang malakas pag naka videocall sila ng anak namin lagi lang syang naka mute. Pucha parang ako ung nakikitira. I am seriously starting to feel like super hopeless again. Tipong sana mawala na lang ako e pucha matapos na ung panggagago sakin ng sarili kong pamilya

28 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

UPDATE: 11/16/2020 9:15PM Wala po akong ginawa sa kanila. Kaya nga nagtataka ako bakit nila ako ginaganito. In fact as early as 7 years old nag attempt na ako mag suicide nang dahil sa kanila. What could have I done at 7 years old? Laging ako ang topic nila ng tatay at kuya ko pag sila sila lang magkausap. Pag galit sila sakin damay mag ama ko. Kesyo lalaking maldita raw ang anak ko at masama ang ugali dahil sakin. Ano bang nagawa ko? Hindi ako naging madamot sa kanila nang tulad ng sinasabi nya. Sa katunayan nung kabataan ko pag nagbabakasyon ako sa tita ko iniipon ko ung weekly allowance na binibigay sakin ng tita ko tapos every Friday pupunta kami sa Mercury ng pinsan ko para mamili ng ipapauwi ko sa nanay ko pagdalaw nya sakin ng kina Saturday. Walang natitira sakin ni piso sa 100 pesos na binibigay ng tita ko. Lahat binibili ko ng ipapauwi para sa kanila. Nung stable na ako sa work ko lahat halos ng gusto nila binibigay ko. Gusto nya ng 2 door na ref? Sige. Gusto nya ng twin tub n washing machine? Sige. Gusto nya ng bags? Sige halos monthly pa nga bago ako nagbuntis binibilihan ko sya ng bags sa SM. Gusto nya ng bagong mga damit? Sige lang kahit supposedly ako ung bibili kasi buntis ako at wala nang kasya sakin. Gusto nila kumain sa ganito? Sige lang. Gusto nila ng bagong phone? Go. Groceries? Push. Load? Magkano ba? You see, hindi ako naging madamot sa kanila. Lahat-lahat kung kaya ko ibibigay ko kahit magkabaon baon ako sa utang sige lang. Ngayon ung paglipat namin ng baby ko, in reality hati kami ng asawa ko dito. Sya sa pagawa ng bakod at gate, ang toka ko ay lahat ng gamit sa loob ng bahay. Hindi yan alam ng family ko. Ang alam nila asawa ko gumastos lahat. Bakit? Kasi sinusumbatan ako ng nanay ko na kesyo pagdating sa asawa ko lumalabas daw ang pera ko. Bakit hindi ko naman sila pinagdamutan ah? Naoperahan sya naglabas ako ng 40k plus 12k. Pina second floor ung bahay nila nagbigay din ako kaso 30k lang kasi wala akong work nun. Binayaran ung balance ng bahay na un, hati kami ng kapatid ko. Ang problema lagi nyang kinukumpara ung kapatid ko sakin kesyo lagi raw syang binibigyan ng pera. May baby na ako mahirap ba intindihin? Ang gusto kasi nya asawa ko lang gagastos ng lahat-lahat sa anak namin. Bakit e may trabaho naman ako at anak ko rin to? Ngayon may sakit ung anak ko. Bumili sila ng palabok kahapon ng umaga, iniwan sa lamesa maghapon tapos pinakain nila ung baby ko past 5pm. Andami pang kinain. Nilalagnat ung bata at nagda diarrhea. Sabi ng pedia bawal daw sa baby ung palabok. Never ko pinakain ng palabok ang baby ko dahil iniisip ko baka hindi pa pwede. Tapos nung isang araw wala ako nasa grocery ako naaksidente naman ung baby ko, sumubsob daw sa floor tumama raw gilid ng noo at pisngi. Pag kaming mag-ina lang wala namang nangyayari sa kanyang kung anu-ano. Jusko talaga. Gustung-gusto ko nang humiyaw sa nararamdaman ko

Magbasa pa
1y ago

Don't let them treat you that way. Wag mong antaying accidentally or intentionally may mas masamang mangyari sa anak mo. Either magpakatapang ka na paalisin sila or tanggapin mo na sa sarili mong anytime mapapahamak kayo ng anak mo.

I think it's already time you set things right. Paalisin mo po sila sa bahay ninyo, masakit man kc bka isipin nila na selfish ka hayaan mo nlang po, God knows kung ano mga pinagdaanan mo. You said you were diagnosed with bipolar disorder and chronic depression, there is a possibility na babalik po yan kapag ndi nakaya ng emosyon ninyo ihandle ang lahat lahat and that is not a good thing. Let them stand on their own na po, you've done enough, its time for you to concentrate on your own family. I can see you are very kind and you tolerate things on your own, swerte nila because they have you. Pero sa nakikita ko they don't see your value kahit ano po gawin ninyo for them. Hayaan mo po na marealize nila kung ano mga pagkakamali nila. If that will not happen then let God do the rest. Just pray, pray for peace of mind, pray for your family to have a humble heart. God bless you po 🙂.

Magbasa pa

😭😭 sis i feel you. pero hindi nman sa puntong lagi akong minumura, pinaparamdam lang saken ng nanay ko na wala akong kwenta, at magiging pokpok ako paglaki ko, suicidla dn ako nung falaga ako dahil dn sa family ko magulo. ngaun may anak na ako at ngaun andto cla sa puder ko. wala akong choice kundi tanggapin cla. naririndi lang ako sa tatay ko kc lahat pinupuna nya at nakikialam sya sa pagpapalaki ko sa anak ko kaya ngaun sinusuway ako ng anak ko. maswerte pa dn ako sa asawa ko kc napaka buti nya samen kahit sya nag wowork. lakasan mo nlang loob mo sis., para sa anak mo. kausapin mo cla na hindi kna bata at may sarili ka ng pag iisip at kaya mong mag desisyon. hindi kna nila kontrolado ngaun dahil pamilyado kna. fight lang sis, wag mong isipin mag suicide magdasal ka palagi isipin mo maiiwan mo baby mo mas masakit yun.. 😥😥😥

Magbasa pa

You all have the right. Bahay mo yan. kahit pa parent mo sya... dpt nga mas intndhn nya sitwasyon mo dhl anak ka nya at alm nya un nangyyari sau... If I am on ur shoe pag bhay ko aq masusunod kht cno pa un nandyan xcpt nlng sya c husband ksi right nya dn masunod sa bhy... now kng ndi nya kya sundin ang rules mo then it is better nlng na mag rent sila ng apartment nla... mean na un dating ksi magulang un pero kht magulang dpt kht pano matuto dn irespeto un anak at the same time sarili mo yang bhy dpt sa sarili mong bhy maging komportable ka ksi bhy mo yn e... based sa story prang gusto kpdn hawakan sa leeg ng parents mo which is wrong... malaki kna ndi kna un tulad ng dati na gnaganyan nla kya dpt kaw na masunod... kya mo yan.... God Bless!

Magbasa pa

nkakalungkot nman ang trato sau ng srili mong family base sa kwento mo momsh. ms maganda tlga kausapin mo po cla ng mabuti, bka xe akala nla ok lng sau ung mga ganun nlng gawain or pananalita against u. ang sakit icpin na sarili mong family mismo ang nagdadown sau imbes na cla ang dapat karamay mo. try to communicate with them,if nothing change or cla pa ang galit eh ms mgnda ng hindi mo nlng cla patirahin jn. xe Your house, your rules dapat. i hope momshh mging ok kau ng family mo,wlang ibang magtutulungan kundi sarili mong family. ipagpray mo din cla. malaki ang naitutulong ng prayers. Godbless u mommshh.😇😊🥰

Magbasa pa
VIP Member

Stay strong mommy. Ganyan din po ako before pero different situation, may nag blackmail sa akin, wala akong masabihan kasi takot ako na pati family ko madamay 3 years ako nagtiis sa taong hindi ko naman kilala, emotionally and mentally abused ako. May suicidal thoughts and i tried to commit suicide para hindi na ako ma abuso pero buti nalang ang bait ni Lord hindi niya ako pinabayaan everytime na gusto ko na mawala. ALWAYS PRAY KAY GOD. IIYAK MO LAHAT NG SAMA NG LOOB MO SA KANYA. AND ISIPIN NIYO NALANG PO ANG ANAK NIYO. Malalampasan niyo din po yan mommy. Kaya niyo po yan 😇💪.

Magbasa pa
Post reply imageGIF

aware po ba ang family nyo na ganyan ang feelings nyo towards their action? kung hindi pa po, kausapin nyo po mommy ng masinsinan family nyo.. be vocal but in a nice way.. mas maiintindihan po nila kayo.gagaan din po pakiramdam nyo. kayo po ang magseset ng rule sa sarili nyong pamamahay. although hindi mganda kung paano sila gumawi based po sa paliwanag nyo, still, family nyo pa rin sila. kung magkaproblema po kayo, isa pa rin po sila na pwede nyo hingan ng tulong.. pinaka importante po, ipagdasal nyo po.. God bless you po mommy..

Magbasa pa

kumuha k n lng Ng kasama sa bahay. siya Yung mag go grocery para sa Inyo. wag mo n iiwan si baby kahit kanino sa Inyo kawawa nmn bka pati si baby may ginagawa silang Hindi maganda.. bka my Hindi sinasabi sayo parents mo bkit gnun ka na lng itrato. . I assert mo n lng rights mo sa bahay at buhay mo.. lahat deserve to be love.. Alam ko family mo sila pero Hindi mo need ipag siksikan sarili mo kung d k nila kayang irespeto mabuti Ng I cut mo muna sila until they learn man lng n irespeto ka. at itreat k Ng maayos. God bless

Magbasa pa

tama po ang mga comments below..bahay nyo yan kayo masusunod...cguro dapat po bago nyo cla tinanggap jan cnabi mo na ung rules mo na ayaw mo ng ganito ayaw mo ng ganyan..para aware cla , ,at ung trato pa ni nanay mo sayo, tlagang napaka sakit na sariling family mo pa ung nag sasalita ng ganyan sayo..wag mong kimkimin ang ung sama ng loob mo mas mganda na mailabas mo yan para gumaan pkiramdam mo. kausapin mo c nanay mo nang mahinahon at ipa alam mo ang damdamin mo..kaya mo yan..pray ka kay God mommy...

Magbasa pa

why not step up and impose your rules? Hindi madali.. pero bahay mo Yan. Kung d mo kayang alagaan ano pa at sinabing ikaw Ang may ari? Kung ayaw sumunod hayaan mo silang umalis. paalam mo po sino may ari ng bahay. iparamdma mo Sino Ang Reyna ng bahay.. katulad nga Ng sinasabi Ng mama ko "hanggang nasa bahay kita, ako Ang masusunod Kung Kung ayaw mo sumunod sa rules ko, maluwag Ang pinto" ganun din gawin mo. . my family kna and impose mo rights mo. Hindi k n nila hawak sa leeg. .

Magbasa pa