RASHESSSSSSSS SA MUKHA
Huhu stress na stress na po ako, hindi mawala wala. cethapil ang sabon namin dati nag change na kami to aveeno ganon padin Ano po ba to mamsh hirap mag pa check up ngayon dahil bawal kami magbyahe MECQ kami til katapusan huhu #1stimemom #advicepls #pleasehelp
Ganyan din po yung Daughter ko, sabi ng pedia niya may eczema siya. Cetaphil Gentle Skin Cleanser ang sabon niya, then nagbigay ng corticosteroid cream at aveeno baby cream. ang pinagawa po sakin ay, pahidan ng corticosteroid cream then aveeno baby cream 2x day for 1 week. D ko sinunod, mga 2days ko lang nilagyan nung corticosteroid cream kasi malakas yung cream na ganyan so ang tinuloy ko lang na ipahid ay yung aveeno baby ayun po nawala naman, kahit wala na pong rashes nilalagyan ko pa din siya ng aveeno baby. try niyo din po lagyan ng breastmilk before niyo paliguan.
Magbasa paHi Mamsh, it would be better if you go directly to your son's pediatrician for consultation because there are too many reason why things like that happens. Pwedeng hindi siya hiyang sa soap nya, pwede ring sa milk or pwede ring inborn acne yan. You i would advise you to better check it with your doctor for a good advice with the right and scientific explanation about that. God bless.
Magbasa paMay skin asthma or atopic dermatitis si baby. same with my baby. 2mos old sya nung lumabas yung ganyan rashes nya. makati po yan para sakanila momsh. Magpalit ka po ng sabon ni baby. Dating Cetaphil gamit namin nagpalit kami ng Dove baby sensitive po and lotion para ma moisture yung skin nya. yung sa face naman I used Elica cream po. And sabi ng pedia ma outgrown naman ni baby.
Magbasa paActually po mawawala lang po talaga yan. Ganyan din kasi yung baby ko hanggang mag 3 mos sya. Nagkakarashes sya sa mukha. Paliguan mo lang araw2 and dapat well ventilated din yung room kasi baka din sa init. If you are really concern, no choice ka po but to go to your baby's pedia kasi mahirap din po kasi kahit ano2 ilagay. Mas okay yung advised ni pedia.
Magbasa pawag mo mommy pahalikan sa may balbas o kahit madampian ng buhok mo. same with my lo. sabon nya now is baby flo oathmeal bath soap. nawala naman po. tapos regular na magpalit ng sapin ni baby, regular din mommy malinisan paligid ni baby para sa alikabok. iwarm water mo muna yan mommy with cotton balls. every dede nya i warm water mo yung may pula ni lo.
Magbasa pasame tayo mamsh, mas malala pa dyan yung sa baby ko dahil sa kakakiss sa mukha nya. Pinacheck up na namin sa derma and na-diagnosed sya with skin asthma. Much better if pa-consult nyo na agad sa derma kase ako pinatagal ko pa and nag-try muna ako ng kung ano anong cream and lalo lang lumala.
ano pong advice sainyo mommy?
sis mas maganda pa gamitin ang johnsons baby shampo and babybath..tsaka mildsoap ipanlaba mo s damit n baby like perla white dalawa baby nmin dito same lng cla ng sabon since birth wla tlga cla rashes try mo lng baka mg ok din s baby mo😊
Better check up po c baby kc po maraming pwedeng reason kung bakt sya nag kaka rashes kung nag papalit ka na ng baby bath nya, kc maaaring sa milk, pwede rin sa damit nya baka ung sabon na gamit nyo panlaba at marami pang iba
baka may skin asthma like my baby 🥺 pabalik balik ung rashes sa face and body. kakapacheck up lang ulit namin kanina sa pedia nya. dapat puro HA ung ginagamit na sabon, moisturizer and even sa milk (if not BF)
Ummm siguraduhin na malinis ang hinihigaan nya misis..Lalo na yung unan..lalo na mainit ang panahon.. At wag kiss ng kiss c baby para iwas rashes sa mukha.
baka po sa init momsh. baby ko po nagkarashes din sa mukha. araw araw naman po namin pinapaliguan. kaya ayun, naisip namin na baka sa init. kaya nagbukas na lang kami aircon. hindi na sya nagrashes.
mula po pinanganak sya till now aircon kami from tanghali hanggang madaling araw mommy huhu ganon padin
Mummy of 1 sweet son