Old ways and New ways

Hnd naman ako totally disagree sa mga old ways at paniniwala. As long as reliable, may basis in everyday life at may sense agree naman ako at nasunod, pero dun sa ibang bagay eh ayaw ko talaga. Currently we are living with my in-laws. Scenario 1 Pagpapakain ng below 6mos. Ayaw ko talagang iintroduce ang solid food ng hnd pa 6mos kc kht sa center or pedia (maybe not all pedia) hnd din inaadvice ang ganun. Kasi daw dati 3 or 4 mos pwde na pakainin ng marie eh okay naman daw lumaki yung mga bata (which is yung magkakapatid ng hubby ko at mismong in laws ko). Kaso para sakin dati yun iba na ngayon, kc ngayon may mga latest na pag-aaral na diba. Kaya kinakaworry ko na baka kapag working na uli ako bk pakainin nila si baby kht hnd pa 6mos old. ????? Scenario 2 Pagpapainom ng tubig below 6mos old. Sabi naman ng pedia samin no need na ang tubig sa baby kc ang bf ay kompleto na at baka magkaroon pa ng water intoxication. Kaso sila need daw after bf or after uminom ng gamot or kapag sinisinok. Ang kinakatakot ko sa tubig eh aspiration, nakakasamid pa naman ang tubig sa bata/baby. Scenario 3 Paglalagay ng piraso ng papel or sinulid na may laway kapag sinisinok. I hate this, as in hnd ako naniniwala dito kc walang basis at base dito sa TAP kusang nawawala ang sinok at hnd naman sya harmful sa baby or hnd naman sila naiirita kapag sinisinok. Kaso dito sa bahay kapag sinisinok si baby naglalay ng piraso ng tissue na puno ng laway (eewww) sa noo ni baby. Hnd ako makapag react though gustong gusto kong alisin kc laway yun eh ?????? kaso nahihiya ako kc magiging walang galang ako. Dapat nga daw eh puno ng laway para mawala ang sinok. Susmioperdon, ako naaawa sa baby ko kc mag aamoy laway sya at bk may virus pa yun kht sabihing healthy silang tignan. Isa pa kulang lng naman sa dighay ang baby kaya sinisinok yan ang sabi ng pedia ni baby kaya need ipadighay, kaso hnd sila naniniwala. Ang matanda nga daw naiirita pag sinisinok baby pa kaya as in duh!.. Scenario 4 Tiki tiki vitamins. Gusto nilang painumin si baby ng tiki tiki at tinanong namin sa pedia kung pwde ang sabi samin, no need kc kompleto na ang bf ng needs ni baby. Tsaka nakabasa din ako somewhere na hnd advisable ang tikitiki or other supplements (unless prescribe by pedia) sa baby. Sabi pa eh nakakalabas daw yun ng "sawan" (hnd ko alam ang sawan, yun daw yung parang greenish color na nasa kuyukot ng baby). At kaya daw magugulat8n si baby kc may "sawan" pa at hnd pa nailalabas, pero base sa nabasa ko dito, startle reflex yun ng baby to totally normal ang ganun. Scenario 5 Pagpapainom ng honey. Ito medyo nag worry ako kc nakabasa ako na may baby ang namatay sa china kc pinainom ng honey ng lola. Nabanggit sakin na dapat daw pinaiinom ko si baby ng honey para hnd maging magugulatin. Buti hnd pinush na gawin ko yun. Scenario 6 Pagpapadede through tsupon even below month old pero breastmilk gamit. Ito okay lng sakin kc required naman talaga to. Kaso pwde naman siguro kht 1 1/2 month before ako bumalik sa work gagawin yun dba not now, 3mos naman ang ML eh. Lagi akong kinukulit magpractise na si baby mag tsupon para daw masanay (medyo naririndi na ko). Ang point ko naman, baby pa masyado at ang #1 na bilin ng pedia bf para iwas asperation. Isa pa dba need unli latch para madami gatas, ayaw ko humina or umunti milk ko dahil lng may tsupon na at hnd na nag lalatch masyado si baby. Scenario 7 Pagpapadede ng nakahiga. Dati naman alam ko na uso or talagang nagpapasusu ng nakahiga si baby. Kaso ngayon hnd na ito advisable kasi prone to sa pagkalunod sa gatas. Once lng naman to sinabi sakin, pero sabi ko bilin ni pedia magpadede ng nakaupo total hnd naman sya forever na gagawin at unting sakripisyo para sa kalusugan ni baby. Isa din to sa iniisip ko kc bk pag working na ko, bk padedehin si baby ng nakahiga mag ba-bottle pa naman na sya that time. Praning na talaga ako. Others Too many "pa-ngontra". Bracelet (red and black) okay lng naman sakin. bracelet lng naman to. Kwentas, another bracelet, kinakabit sa damit, nilalagay sa ilalim ng higaan, dahon ng atis, asin, panyo na may sulat.. ang dami pero bahala sila gusto nila eh. Mas okay ako sa dasal at strong faith kesa sa mga bagay bagay na kinakabit or sinusuot sa baby.. Its all about faith. Sensya na mga momsh, ang dami kong issue as new mommy. Old vs New ways. Sanay sila sa old kc lumaki at nabuhay naman daw mga anak at apo nila gamit yun, pero iba iba naman kc tayo at iba noon sa ngayon, iba sila iba si baby ko..

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Pwede mo naman hindi gawin. In the first place ikaw ang ina kaya ikaw may karapatan. Mahirap lang diyan inoover power ka nila sa baby mo. Ang gawin ko kausapin mo si hubby tungkol dyan, para si hubby yung kakausap sa kanila. Para walang mabuo na issue.