Hindi ko po nasuportahan agad yung pregnancy ko until 6months due to some personal problems, nagawa ko pang suntukin yung tiyan ko tapos nagsosorry ako pag nahimasmasan ako, minsan nag ooverthink ako na baka ano maging epekto sakanya ng mga naging stress ko. Hindi ko naman po ininuman ng illegal pills pero nung hindi ko pa alam na buntis ako natry kong magshot ng alcohol nung may okasyon samin (di po kasi talaga ako umiinom) at uminom ng gamot like bioflu saka neozep pag nagkakasakit ako. Ngayon kumpleto nako sa bakuna saka wala namang problem na sinabi sakin nung nagpa ultrasound ako, meron po kayang case na paglabas ni baby mag ibang problem pala? Worried po kasi ako