Hello po mommy, sa aking opinyon po. Kung nakapag-usap na po kayo patungkol sa pagtrato niya sa inyo at hindi pa rin siya nagbago sa nakalipas na 5 taon tingin ko po'y wala na talaga siyang respeto sa inyo.
Naniniwala po akong napakahalaga ng respeto sa isang pagsasama. Kung wala na po iyon mahirap talaga.
Huwag niyo pong isipin masyado ang pinansyal. Opo, mahirap po talaga ang kumita ng pera, pero materyal na bagay po ito at kailangan lamang po ng kaunting diskarte at lakas ng loob.
Sabihin niyo rin po sa inyong pamilya at kaibigan ang inyong sitwasyon. Sigurado po akong hindi nila kayo bibiguin at susuportahan nila kayo.
Sa aking opinyon po bilang lumaki po ako sa isang broken family, hindi naman po ako naging kulang. Lumaki naman po akong maayos. Napalaki po ako ng Tatay ko. Tinulangan din po ng mga kapatid ng tatay ko sa pagpapalaki sa akin.
Hindi naman po ako lumaki na may sama ng loob sa nanay ko. Ipinaintindi po sa aking mabuti ng tatay ko ang sitwasyon. Sabi ng tatay ko mas mainam na raw iyon kaysa lumaki akong nakikita kong nag-aaway sila ng aking nanay at hindi masaya. Tingin ko po mas traumatic iyon.
Kailangan niyo lang pong sigurong gawin ang ginawa ng Daddy ko sa akin, ipinaintindi niya ang sitwasyon namin, hindi ko makakalimutan ang sinabi niya na kahit hindi buo ang pamilya namin hindi ibig sabihin nun ay kulang ako o kulang ang pagmamahal na matatanggap ko. Mahal pa rin nila ako dahil sila ang magulang ko.
May mga kaibigan po akong ganun ang sitwasyon.
Kaya niyo po 'yan, tandaan niyo pong hindi lamang kayong isang asawa o ina/nanay, isa kayong babae at kayang niyong gawin ang nais niyo at tiyak po akong matutupad niyo po iyon.
Ang totoo po pakiramdam ko gusto niyo na po siyang hiwalayan talaga mommy, natatakot lamang po kayo sa susunod na mangyayari. Pero huwag po, marami po ang nagmamahal sa inyo.
Totoo pong mahirap ang mabuhay, ang magpatuloy pero sa kabila nun masarap din ang mabuhay, nariyan po ang anak ninyo. Siya po ang magbibigay sa inyo ng lakas ng loob.
Kaya niyo po iyan Mommy, huwag po kayong dumedepende lamang sa inyong asawa. Huwag niyo pong isipin na mahina kayo o hindi niyo makakaya. Huwag po kayong magpakamatay. Isipin niyo ang mga positibong bagay. Tuloy lang! Laban lang! <3