masama ba akong nanay kung lagi ko na lang nasisigawan o napapagalitan anak ko?

Help naman oh. Madalas akong short temper kahit nung hindi pa ako buntis (buntis kasi ako sa pangalawa ko now) madalas konting mali ng panganay ko nasisigawan ko :( napapagalitan ko :( and sobrang sama din ng loob ko once na bigla na sya iiyak okaya pipigilan nya iyak nya kasi pag nakita ko na minsan paiyak sya lalo pa ako magagalit. Minsan yung pag paiyak na sya then biglang "nanay galit ka ba? Sorry na i love you" para akong sinasampal ng malakas saka nahigimasmasan. Minsan konting bagay ang init ng ulo ko. Di ko na alam gagawin ko minsan kasi pag pinagsabihan sya paulit ulit di sya nakikinig hanggang sa magalit na lang ako saka lang susunod pero umiiyak na sya kasi nga napagalitan na. Kasalanan ko ba bakit di nya ako pinapakinggan? Siguro mga ako din may kasalanan. Kasi minsan pag yung nagaaway sila tatay nya pag yung di agad nakikinig or kaya kinokontra sya which is di sya sanay kontrahin ng tatay nya kasi laging oky kay tatay nya. (Btw 3yrs old yung panganay ko) ginagaya nya mga sinasabi ko (pero syempre hindi yung mga panget na words kasi alam nya mapapagalitan sya) minsan pati actions ko ginagaya nya. Palasigaw na din sya. Siguro nga kasalanan ko bakit nagkakaganun sya :( di ko na alam gagawin ko :( minsan pakiramdam ko gusto ko na lang mawala para wala na nagpapagalit sakanya kasi naawa din ako pag napapaglitan ko sya. Minsan halos gusto ko na din saktan sarili ko para maibalik ko lang sakin mga nagagawa ko sakanya. (Pero di ako nanakit physical sa kanya)

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

same po ganyan din ako dati. pero always think/ breath before you react lalo na buntis ka pa pala. isipin mo bata kasi yan and makulit, makalat, and hindi basta basta susunod lalo na kung nag eenjoy sya sa ginagawa nya. if you need to have a reminder, like usulat mo sa frame, quote on positive parenting or happy quotes sa bahay nyo para good vibes kayo lahat. isipin mo mabuti na lahat lang kayo masstress including the kid pag nagalit ka. kaya always be mindful of your reaction. ayaw din naten na makilala tayo ng anak naten na ganyan ang mommy nila na palage sumisigaw sa kanila, baka ma trauma yung bata. it will take time pero start from small na mindful parenting 😊 kaya yan mommy!

Magbasa pa