masama ba akong nanay kung lagi ko na lang nasisigawan o napapagalitan anak ko?

Help naman oh. Madalas akong short temper kahit nung hindi pa ako buntis (buntis kasi ako sa pangalawa ko now) madalas konting mali ng panganay ko nasisigawan ko :( napapagalitan ko :( and sobrang sama din ng loob ko once na bigla na sya iiyak okaya pipigilan nya iyak nya kasi pag nakita ko na minsan paiyak sya lalo pa ako magagalit. Minsan yung pag paiyak na sya then biglang "nanay galit ka ba? Sorry na i love you" para akong sinasampal ng malakas saka nahigimasmasan. Minsan konting bagay ang init ng ulo ko. Di ko na alam gagawin ko minsan kasi pag pinagsabihan sya paulit ulit di sya nakikinig hanggang sa magalit na lang ako saka lang susunod pero umiiyak na sya kasi nga napagalitan na. Kasalanan ko ba bakit di nya ako pinapakinggan? Siguro mga ako din may kasalanan. Kasi minsan pag yung nagaaway sila tatay nya pag yung di agad nakikinig or kaya kinokontra sya which is di sya sanay kontrahin ng tatay nya kasi laging oky kay tatay nya. (Btw 3yrs old yung panganay ko) ginagaya nya mga sinasabi ko (pero syempre hindi yung mga panget na words kasi alam nya mapapagalitan sya) minsan pati actions ko ginagaya nya. Palasigaw na din sya. Siguro nga kasalanan ko bakit nagkakaganun sya :( di ko na alam gagawin ko :( minsan pakiramdam ko gusto ko na lang mawala para wala na nagpapagalit sakanya kasi naawa din ako pag napapaglitan ko sya. Minsan halos gusto ko na din saktan sarili ko para maibalik ko lang sakin mga nagagawa ko sakanya. (Pero di ako nanakit physical sa kanya)

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

3yo palang po pala. Mga ganyang age po kasi kung ano yung nakikita at naririnig nila ginagaya po nila. Kaya as much as possible daanan po sa malumanay or kausapin ng maayos. Yung pamangkin ko po ganyan 3yo ngayon lahat ng naririnig nya sa mama at papa nya kahit bad words ginagaya nya..ultimo word na gago, mamatay ka na or pag pinapagalitan sya sinasabihan sya na nakakagigil sya..ginagaya nya po. Pati po actions like amba ng palo, suntok, sipa o dirty finger ginagaya po ng bata. Hindi po sapat yung pag sabihan lang po yung bata na wag ganito wag ganun dapat i-explain po natin ng maayos at sa actions din po na nakikita nila sa atin as parents maging responsible po tayo at maging maingat.

Magbasa pa
5y ago

never naman nya ginaya mga badwords. minsan mga usuall na reactions lang na "ayan ka nanaman" and kung ano pa pero walang bad words