masama ba akong nanay kung lagi ko na lang nasisigawan o napapagalitan anak ko?

Help naman oh. Madalas akong short temper kahit nung hindi pa ako buntis (buntis kasi ako sa pangalawa ko now) madalas konting mali ng panganay ko nasisigawan ko :( napapagalitan ko :( and sobrang sama din ng loob ko once na bigla na sya iiyak okaya pipigilan nya iyak nya kasi pag nakita ko na minsan paiyak sya lalo pa ako magagalit. Minsan yung pag paiyak na sya then biglang "nanay galit ka ba? Sorry na i love you" para akong sinasampal ng malakas saka nahigimasmasan. Minsan konting bagay ang init ng ulo ko. Di ko na alam gagawin ko minsan kasi pag pinagsabihan sya paulit ulit di sya nakikinig hanggang sa magalit na lang ako saka lang susunod pero umiiyak na sya kasi nga napagalitan na. Kasalanan ko ba bakit di nya ako pinapakinggan? Siguro mga ako din may kasalanan. Kasi minsan pag yung nagaaway sila tatay nya pag yung di agad nakikinig or kaya kinokontra sya which is di sya sanay kontrahin ng tatay nya kasi laging oky kay tatay nya. (Btw 3yrs old yung panganay ko) ginagaya nya mga sinasabi ko (pero syempre hindi yung mga panget na words kasi alam nya mapapagalitan sya) minsan pati actions ko ginagaya nya. Palasigaw na din sya. Siguro nga kasalanan ko bakit nagkakaganun sya :( di ko na alam gagawin ko :( minsan pakiramdam ko gusto ko na lang mawala para wala na nagpapagalit sakanya kasi naawa din ako pag napapaglitan ko sya. Minsan halos gusto ko na din saktan sarili ko para maibalik ko lang sakin mga nagagawa ko sakanya. (Pero di ako nanakit physical sa kanya)

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

Hugs to you, mommy. Andyan talaga yung guilt feeling kapag napagalitan natin mga anak natin lalo na kung nakita natin yung reactions nila after natin mapagalitan. Pinapagalitan ko rin si LO pero hindi yung pagalit na galit talaga, it's more like explaining to him pero as much as possible iniiwasan ko talagang sigawan sya kasi may negative effect po talaga sakanila yung pagsigaw natin and it's not healthy for them and even to us na parents. Try positive reinforcement mommy. If you feel na sasabog ka na, hinga ka muna saglit or leave the area for a while muna. It takes patience and practice talaga bago magawa. It's not really easy mommy lalo na kung ikaw lang mag isa naiiwan at preggy ka kaso it's not good for them na masigawan dahil may long term effect sakanila. Ako, I am clinically diagnosed with two types of depression and there are times talaga na kahit slight things nakaka annoy na for me lalo na kung nakakapagod yung araw. Nasigawan ko na din yung toddler ko before pero I tried to change my behavior towards him lalo na kapag may nagagawa sya na sa paningin natin is mali. Iniisip ko na bata lang sya and not in control pa sa paligid natin, nandyan yung curious sila at they are challenging authority, may mga times na ilang beses ng sinabihan pero paulit ulit pa rin. Because kids are meant to be that way talaga. It's on us na parents kung paano na natin ihahandle. Kaya mo yan mommy. ♡

Magbasa pa