Stress sa asawa

Help me mga moms hindi kuna alam ano gagawin ko kung iiwan kuna ba asawa ko o hindi nahuli kuna naman kasi sya na nagccheat sakin actually madaming beses nya nako niloko binibigyan ko lang ng chance😢 tapos ngayon sobrang hirap ng sitwasyon ko kasi dalawa na anak namin at 6months palang at 1year old palang tapos wala na mga magulang ko patay na parehas wala ako kasama mag alaga sa mga anak ko🥺 yung tatay naman wala din kwenta puro games lang hindi nagttrabaho simula buntis ako at minsan nasasaktan din nyako panay mura din sakin😢 umaasa lang sa bigay ng ate ko pang bili ng mga needs ng baby ko ano po ba dapat kong gawin mag stay parin po ba kahit toxic na kami para sa mga anak ko oh iwanan kuna po🥺☺️

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hiwalayan mo na sis.mga ganyang lalaki pakiramdam nila hindi mo kaya pag wala sila.ipakita mo na kaya mo.magsumikap ka.itaguyod mo mga anak mo kahit wala sya.mas mahirap makalakihan ng mga bata yan.pero kung makikipaghiwalay ka siguraduhin mo na buo yung desisyon mo.wag kang magpapadala sa mga pangako at matatamis na salita.hayaan mo syang marealize nya yung importance mo sa buhay nya at pagsisihan nya mga ginawa nya sayo

Magbasa pa