trying my best

Help me, hindi ko talaga nahuli asawa ko na may affair sya, pero di nya dinideny na yung babae mahal nya. sobrang sampal sa mukha ko. Ngayon, nagdecide kami maging ok kami pero nag hirap minsan intindihin, nararamdaman ko padin na mahal nya yung maging babae nya at mas mahal. nasaskatan ako ngayon dahil ang selfish nya. Lahat ng klaseng pag uunawa binigay ko na. ano mararamdaman mo kung halos wala ng sparks ang pagsasama ninyo, parang para nalng sa bata?

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sis nararamdaman ko ang sakit na pinagdadaanan mo. Pero alam mo iiyak mo lang yan sa Dios. Huwag mo na syang i-pressure at huwag mo ring syang papiliin. Tutal narinig mo na sa kanya ang gusto mong marinig. Pangangalunya ang ginawa nya at iyon ay kasuklamsuklam sa mata ng Dios. Maging kalmante ka na at ipaubaya mo sya sa Dios. Ang Dios na ang bahalang kumilos sa asawa mo at sa babae nya. Kapag naibigay mo na sa Dios ang lahat ng iyan, maniwala ka sa akin. Nasa sa panig mo ang Dios. Magugulat ka nalang sa gagawin ng Dios. Nasa iyo pa rin ang katagumpayan dahil ikaw ang legal wife. Hayaan mo lang muna sya. Lalake lang yan ang mahalaga ay ang anak mo at ang pagkatao mo. Huwag mo lang syang gagantihan sa ginawa nya. May awa ang Dios. Kasihan ka nawa ng Dios sis.

Magbasa pa