1st timer

hellooo i'm 32 weeks preggy on my baby boy and i'm having anxiety sa panganganak ? 18 years old palang po ako huhu any tips about childbirth?

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Focus. Una, iprioritize niyo ang baby above else, ibaba ang pride, humingi ng assistance sa mga parents niyo, manghiram kayo ng pera sa kanila kung kinakailangan, may mga pangangailangan si baby at ikaw na hindi niyo pwedeng isawalang bahala, like vitamins/gatas mo/pagkain na masustansiya/ultrasounds/gamit ni baby, etc. Pangalawa, iprepare ang gamit na dadalhin sa ospital, magstart ka na magpack paunti-unti ng gamit, dahil mahirap ipangako kung kelan lalabas si baby. Pangatlo, wag mahihiyang magtanong sa doctor kung ano yung mga kailangan niyong iprepare sa panganganak mo, papeles, budget, etc. Pang-apat, PHILHEALTH, SSS (MAT1 and MAT2) iresearch kung paano ito maaavail, makakatulong sa inyo ito ni baby (kagaya nung image na inattach ko). Pang-lima, hindi totoo yung nakikita sa tv na nanganganak na sumisigaw, ang tamang pag-ire ay yung parang pag-poop, hindi ka naman pababayaan ng doctor, makikinig ka lang sa instructions niya, again FOCUS. Pero sa akin, nag-emergency CS ako, kaya sa gastos kami nagulat akala namin kaya ko i-normal. Yun yung mga bagay na dapat ianticipate mo na. Wag kang mag-alala, kaya mo yan. Pag andun ka na, wala ka na din namang choice. Dasal lang.

Magbasa pa
Post reply image
7y ago

maraming salamat po, Mrs Ohh!! malaking tulong 🤗🤗