RANT

Hays palabas ako ng sama ng loob, sobrang sakit na kasi lagi nalang ako sinasabihan ng bf ko na bobo kang ina tanga tamad tapos may kasama pang mura na p*t*n* ina ko daw g*g* ako, 1 week ako nagstay sa hospital after manganak dahil nagkaron ako postpartum bleeding sobrang bumaba bp ko, Kaya sinalinan ako ng dugo kaya nung nakalabas ako hospital sobrang pinagbawalan ako magkikilos muna at umakyat ng hagdan dahil baka duguin nanaman ako, eh may mga kailangan ako na di ko magawa kailangan iutos like tubig damit pagkain mga ipapaabot ko, puro siya wait paginulit ko siya pa galit na puro utos ako ang tamad tamad ko, tapos papaarawan namin baby namin ayaw niya gumising masakit daw Mata niya puyat daw siya, eh pinapatulog ko ng maaga kaso puro cp ml ginagawa. Tapos naiiyak nalang ako kasi hirap ako gumalaw, pagtimpla ng gatas habang umiiyak si baby sobrang stress ko, Hindi ko na mainom sa tamang oras gamot ko, nakakalungkot lang ansakit lang, samantalang yung mama ko araw araw akong chinachat kung okay lang kami ni baby, kung napuyat daw ba ako para pupunta siya samin tapos siya magaalaga kay baby para makatulog ako dinadalhan pako ng pagkain dito sakanila, pag nandito si mama o mga kapatid ko mabait siya kumikilos siya.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Alam mo kung ako sayo dun ka muna sa mama mo. Pero bago ka umalis, sampalin mo ng isa yung bf mo yung lapat na lapat ang palad mo sa mukha nya, baka matauhan.

5y ago

alam nila mama maayos ako dito, ayokong magsabi dahil nahihiya ako at ayokong madisappoint sila sakanya, kaya eto ako sobrang nagtitiis sa mga masasakit na salitang naririnig ko😔