Stress

Hay mga mommies! Baby ko na lang nagpapalakas ng loob ko. Totoo talaga ung kasabihan nasa huli ung pagsisisi. Sana sumunod na lang ako sa magulang ko nun hindi sana kami nahihirapan ng baby ko ngaun. May maganda naman ako work, malaki sweldo as in sobrang ginhawa ng buhay ko ng nagwowork ako pero dahil nga maselan ako magbuntis napilitan ako na mag early leave,3months pa lang tummy ko naka leave na ko. Nakapagfile din ako ng sickness sa ss my sweldo naman ako every month. Kaya lang ung asawa ko grabe puro computer games na lang hindi na pumapasok,pumasok man laging late. Ung pera sana para sa panganganak at pambili ng gamit ng anak ko nagagastos namin pangkain at pambayad ng bill. Minsan tinitiis ko na lang init d ko na binubuksan aircon, sa pagkain din pa unti unti na lang kain ko. Wala kasi siyang sinsweldo. Pag kinakausap ko galit kaya di na ko nagsasalita. Tahimik lang ako minsan nga pag nagpapabili ako ng fruits ang dami ng sinasabi kaya ang ending nganga. Ako din naglilinis kumikilos sa bahay kahit hindi naman ako sanay sa ganito. Naaawa ako sa baby ko I'm 8months pregnant. Wala siyang kusa minsan di talaga ako kumikilos pero hindi ko naman kaya matulog sa madumi. Ako din kikilos sa ending. Ngayon magkano lang sinahod niya kulang pa pambayad ng kuryente namin, Magagamit ko na naman ung para sa baby. Pambili ko sana un ng kulang niya na gamit. Sinabi ko pa un sa kanya ang sabi niya sa akin huwag daw ako magbibili ng mahal. Naiinis ako sa totoo lng kasi pera ko un gusto ko bilin ung mga best sa baby. Ayaw ko tipirin anak ko. Aminado naman ako mahal mga binili ko na baby skin care at mga damit ng baby. Pera ko naman un kung pumapasok siya sana hindi kami nashoshort malaki naman sweldo niya eh more than 10k every cut off pero dahil sa katamaran at kaadikan niya sa computer games 3k-5k nlng sinasahod niya every month. Malapit na ko manganak pero wala pa rin siya hawak na pera to think na sa private hospital ako manganganak. Ayaw ko ng umasa sa parents ko naiinis na ko sa ginagawa niya. Kahit ung makukuha ko sa mat ko ayw ko na sabihin sa kanya kung magkano. Ang sama ko po ba? Kasi iniisip ko sana iniwan ko na lng siya ng maliit pa tummy ko. Maayos sana kami ni baby ngaun. Lagi ako nagdadasal na sana okay baby ko mailabas ko siya ng normal delivery. Hays ang hirap makipag usap sa taong laging galit. Hindi ko masabi sa parents ko lahat ng to kasi lalo siyang aayawan.

31 Replies

iwan mo na yan mamsh para makapag isip isip sya ng tama, kung kayo pipiliin nya or yung computer

Iwan mo na yan. Go to your parents, maiintindihan ka nila at mas makakabuti sa inyo ng baby mo.

Pwd mo pa nman hiwalayan tngnan mo nlng future nyo ng anak nyo kung ganyan asawa mo

Mas mahalin mo nlang sarili mo at baby mo mamsh, walang kwentang lalake ung mga ganyan.

walang kwentang lalake yan iwanan mna habang maaga pa ikaw din ma stress jan.

VIP Member

Iwanan mo na yan stress lang dala nyan

Dapat jan iniiwan isip bata pa yan

Ay, nako. Tigilan ang karupukan

VIP Member

pray kalang kommy

Tatag lang sis.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles