Stress

Hay mga mommies! Baby ko na lang nagpapalakas ng loob ko. Totoo talaga ung kasabihan nasa huli ung pagsisisi. Sana sumunod na lang ako sa magulang ko nun hindi sana kami nahihirapan ng baby ko ngaun. May maganda naman ako work, malaki sweldo as in sobrang ginhawa ng buhay ko ng nagwowork ako pero dahil nga maselan ako magbuntis napilitan ako na mag early leave,3months pa lang tummy ko naka leave na ko. Nakapagfile din ako ng sickness sa ss my sweldo naman ako every month. Kaya lang ung asawa ko grabe puro computer games na lang hindi na pumapasok,pumasok man laging late. Ung pera sana para sa panganganak at pambili ng gamit ng anak ko nagagastos namin pangkain at pambayad ng bill. Minsan tinitiis ko na lang init d ko na binubuksan aircon, sa pagkain din pa unti unti na lang kain ko. Wala kasi siyang sinsweldo. Pag kinakausap ko galit kaya di na ko nagsasalita. Tahimik lang ako minsan nga pag nagpapabili ako ng fruits ang dami ng sinasabi kaya ang ending nganga. Ako din naglilinis kumikilos sa bahay kahit hindi naman ako sanay sa ganito. Naaawa ako sa baby ko I'm 8months pregnant. Wala siyang kusa minsan di talaga ako kumikilos pero hindi ko naman kaya matulog sa madumi. Ako din kikilos sa ending. Ngayon magkano lang sinahod niya kulang pa pambayad ng kuryente namin, Magagamit ko na naman ung para sa baby. Pambili ko sana un ng kulang niya na gamit. Sinabi ko pa un sa kanya ang sabi niya sa akin huwag daw ako magbibili ng mahal. Naiinis ako sa totoo lng kasi pera ko un gusto ko bilin ung mga best sa baby. Ayaw ko tipirin anak ko. Aminado naman ako mahal mga binili ko na baby skin care at mga damit ng baby. Pera ko naman un kung pumapasok siya sana hindi kami nashoshort malaki naman sweldo niya eh more than 10k every cut off pero dahil sa katamaran at kaadikan niya sa computer games 3k-5k nlng sinasahod niya every month. Malapit na ko manganak pero wala pa rin siya hawak na pera to think na sa private hospital ako manganganak. Ayaw ko ng umasa sa parents ko naiinis na ko sa ginagawa niya. Kahit ung makukuha ko sa mat ko ayw ko na sabihin sa kanya kung magkano. Ang sama ko po ba? Kasi iniisip ko sana iniwan ko na lng siya ng maliit pa tummy ko. Maayos sana kami ni baby ngaun. Lagi ako nagdadasal na sana okay baby ko mailabas ko siya ng normal delivery. Hays ang hirap makipag usap sa taong laging galit. Hindi ko masabi sa parents ko lahat ng to kasi lalo siyang aayawan.

31 Replies

VIP Member

Lumayo ka muna jan mommy... hnd ka dapat na i-stress... yang daddy ng baby mo hnd pa handang magpaka Ama... kung ako nasa posisyon mo bka matagal q ng iniwan yan... mas importante ang dugo at laman ko (si baby) kesa sa taong hnd q naman kaano ano (partner haha) tapos wala pang pake sakin... baby first....

Ano pa hinihintay mo? Iwanan mo na. Paano mo kakausapin yung taong ganyan. Kung ako sayo lalayo na ako hanggat kaya ko pa. Hanggat may natitira pa akong ipon. Punta ka na sa magulang mo kasi sa totoo lang wala kang ibang matatakbuhan, sila na lang. Pag nakapanganak ka magsimula ulit kayo ng anak mo

hindi pa naman po siguro kayo kasal, much better na hiwalayan mo na! tska bat ka ba nagpa buntis sa ganyang klaseng lalaki, maganda naman life mo dati sana nag hanap ka ng lalaking alm mo na di masusuportahan ka!uwi ka nalang sa parents mo.

Feeling ko kaya ganyan yang partner ba or husband mo? Well regardless kung ano siya. Alam kasi niya may pera ka pa na kayang i-allot sa mga gastusin ninyo. Be wise mommy. Kaysapin mo ng masinsinan yan kasi ikaw ang mahihirapan sa dulo.

VIP Member

Iwan mo nlng or paalisn nlng s bahay.. Ikw ngsa suffer.. Atleast qng hnd n kaio mgksma ikw man ang kumklos atleast wlang pabigat saio momsh... Mhrap ang gnyan taong pasan pasan mo.. :( not healthy for u.. Stress lng ang ngyyre!

Kung mas priority nya paglalaro sis, baka di na magbago yan. Walang kaamor-amor sa inyong mag-ina. Wla din syang sense of responsibility. Mas mabuti pa sigurong bumalik ka sa parents mo.

Balik ka nalang sa parents dun for sure d ka mahihirapan. Later on marerealize din nya yan pag wala ka na sa tabi nya. Bka d pa sya ready sa buhay pamilya.

VIP Member

Iwanan mo na yan sis para magtino at malaman nya kung gaano kayo kahalaga sa buhay nya. At dyan mo malalaman kung talagang mahal ka nya.

Nkaka stress naman yang sitwasyon mo sis.. pag lumabas si baby na hindi pdin sya nag babago time na cguro para lumayo ka muna sa knya

Un na nga po ang plano ko, marami kc ako pangarap mommy lalo na ngaun my baby na ko.. Gusto ko maranasan ng baby ko lahat ng naranasan ko nun or mas higit pa dun..

May time pa sis hanggat hindi pa kayo kasal pwd pa isa pa lang naman anak nyo kesa naman madagdagan pa

Trending na Tanong