Stress

Hay mga mommies! Baby ko na lang nagpapalakas ng loob ko. Totoo talaga ung kasabihan nasa huli ung pagsisisi. Sana sumunod na lang ako sa magulang ko nun hindi sana kami nahihirapan ng baby ko ngaun. May maganda naman ako work, malaki sweldo as in sobrang ginhawa ng buhay ko ng nagwowork ako pero dahil nga maselan ako magbuntis napilitan ako na mag early leave,3months pa lang tummy ko naka leave na ko. Nakapagfile din ako ng sickness sa ss my sweldo naman ako every month. Kaya lang ung asawa ko grabe puro computer games na lang hindi na pumapasok,pumasok man laging late. Ung pera sana para sa panganganak at pambili ng gamit ng anak ko nagagastos namin pangkain at pambayad ng bill. Minsan tinitiis ko na lang init d ko na binubuksan aircon, sa pagkain din pa unti unti na lang kain ko. Wala kasi siyang sinsweldo. Pag kinakausap ko galit kaya di na ko nagsasalita. Tahimik lang ako minsan nga pag nagpapabili ako ng fruits ang dami ng sinasabi kaya ang ending nganga. Ako din naglilinis kumikilos sa bahay kahit hindi naman ako sanay sa ganito. Naaawa ako sa baby ko I'm 8months pregnant. Wala siyang kusa minsan di talaga ako kumikilos pero hindi ko naman kaya matulog sa madumi. Ako din kikilos sa ending. Ngayon magkano lang sinahod niya kulang pa pambayad ng kuryente namin, Magagamit ko na naman ung para sa baby. Pambili ko sana un ng kulang niya na gamit. Sinabi ko pa un sa kanya ang sabi niya sa akin huwag daw ako magbibili ng mahal. Naiinis ako sa totoo lng kasi pera ko un gusto ko bilin ung mga best sa baby. Ayaw ko tipirin anak ko. Aminado naman ako mahal mga binili ko na baby skin care at mga damit ng baby. Pera ko naman un kung pumapasok siya sana hindi kami nashoshort malaki naman sweldo niya eh more than 10k every cut off pero dahil sa katamaran at kaadikan niya sa computer games 3k-5k nlng sinasahod niya every month. Malapit na ko manganak pero wala pa rin siya hawak na pera to think na sa private hospital ako manganganak. Ayaw ko ng umasa sa parents ko naiinis na ko sa ginagawa niya. Kahit ung makukuha ko sa mat ko ayw ko na sabihin sa kanya kung magkano. Ang sama ko po ba? Kasi iniisip ko sana iniwan ko na lng siya ng maliit pa tummy ko. Maayos sana kami ni baby ngaun. Lagi ako nagdadasal na sana okay baby ko mailabas ko siya ng normal delivery. Hays ang hirap makipag usap sa taong laging galit. Hindi ko masabi sa parents ko lahat ng to kasi lalo siyang aayawan.

31 Replies

Sakin momshie mas mahihirapan ka kung nd mo sya iintindihin may mga part talaga ung mga lalaki na naadik sa isang bagay pasalamat ka nalang md sa bisyo at babae ung kinaadikan nya base on my experience kase momshie ganyan din kami ng asawa ko mas malaki sinasahod ko sakanya dati hanggang sa napilitan din ako umalis at mag stay sa bahay dahil nahihirapan na ako kaya sya nalang nagwowork nagwowork naman sya ng maayos un lang bago umalis at pagdating ng bahay online games tas buti kapa may pinagkukuhanan kang pera samin wala pinagkakasya lang namin ung 3 to 5k na sahod ng asawa ko sa isang cut off panggastos na namin un sa buong cutoff nya pero kinakaya ko kase mas mahihirapan ako kung iniisip ko na nahihirapan ako sa sitwasyon namin ako iniintindi ko nalang momshie ung paglalaro nya sinusuport ko nalang kase kaligayahan nila un lambingin mo nalang momshie ung asawa mo ganun kase kame ng asawa ko advice lang kesa hiwalayan mo maaatim mo ba na lumaki anak mo na walang tatay

Iwan mo na yan, at the first place ang lalaking mahal ka malaman palang na buntis ka tuwang tuwa na yan. Sya na ang kikilos kapag di mo kaya, sya maglalaba, magluluto o ano mang di mo na nagagawa dahil nagdadalang tao ka. Ganyan kasi ang asawa ko, kahit galing sa trabaho. Nagagalit pa yun pag naglaba ako, dahil ayaw nya ko mapagod. At sa mga kinakain ko lagi nya ko pinagbibilinan na healty foods lang lagi at yung mga kailangan ni baby gusto nya nga sya pa mamimili. Kung talaga resposable yan una palang di yan ganyan, kung sa ngayong buntis ka ganyan yan. What if pa pag nanganak ka na? Di ka talaga makakakilos at may depression na dinadaanan talaga ang babaeng pagkatapos manganak, hays. Hate ko mga ganyang lalaki, mga walang bayag. Sorry ah pero kawawa kasi kayo ni baby, naaawa ako. Hays sana matauhan yang asawa mo, God willing.

Sis masstress kalang sa asawa mo, di mo deserve ung ganyan katamad na lalaki ndi man lang magkusa mag ipon para sayo at ke baby.. iwan mo nlng, baka sakaling marealize nya na mali na sya.. kala siguro nya di mo sya kayang iwan porket buntis kna ee.. para na sana ke baby napupunta pa sa gastusin na sana sya ung nagpoprovide. Pag nanganak ka baka mabinat kalang dahil dyan sa partner mo, uwi ka nlng sa parents mo dble na ayawan sya e kaayaw ayaw naman sya ee dahil sa pinaparanas nya sayo dpt nga alagaan at unawain ka nya. Pray ka dn sis.. ipagpray mo dn na sana naman magbago na sya.. dun ka muna sa parents mo para mas makapag ipon ka at maalagaan ndin

same tayo mumsh laro lng ng laro yung lip ko napakatamad dn kain tulog at laro lang gnagawa araw2x. wala dn sya work ngayon umaasa lng kmi sa ipon niya kse galing sya work abroad pero 8 months na nakalipas kaya tipid2x kami ngayon. Buti nlng nakastay kmi sa family nya so wala pa kmi gastos sa bahay at kuryente, paminsan2x lang dn kmi gumagastos sa food. Pero hndi namn sya nagkulang sa pgaalaga at pgsasama skin every check ups ko. Nakakainis lng dn kase nagagalit dn sya everytme kinakausap ko na mghanap ng work, after pnganak ko nlng daw. We'll lets see. Kse if hndi dn sya mgbabago mapipilitan dn akong iwan sya. Be strong nalng tayo mumsh.

VIP Member

Kasal n po ba kayo?if hnd po mumsh hiwalayan mo nalang .mahirap na walang tatay si baby oo pro mas mahihirpan ka pag nagsama p kau n gnyan ugali nia.madadamay anak nia pag nag-away kau..pray ka po..naiintindhan ko dn kung mahal ang bnili mong gamit kay baby, ciempre all the best for our baby ibibigay ntin ah.gnyan dn ako.as long as kaya naman ng budget..pag-isipan mo po mabuti mumsh.mahirap kasama sa bahay ang batugang asawa..kausapin mo po cia ng maayos at mahinahon.sabhin mo lht tpos ask mo anong plano nia..tngnan mo dn po kung may pagbabago b cia.kung wala tlg, naku mumsh..mag-isip kn po..God bless po sau and kay baby

Hindi ka po masama mommy. Siya iyon dahil inutil siya. Kasal na po ba kayo? Kasi kung hindi po at pag may baby na kayo at hindi pa aiya nagtino, mag isip isip ka na po mommy. Wag niyo na rin po sabihin yung makukuha niyo. Magtabi ka ng ipon for baby at least in case of emergency or panggastos lalo kung babalik na po kayo sa work niyo. Kausapin niyo po siya ng masinsinan. Kung talagang hindi po siya mapapakiusapan, tiis ka lang muna habang wala pa si baby. Kaya niyo po iyan, mamsh. Kaniya kaniya lang po tayo siguro ng kinakaharap na problema sa pagbubuntis. Lagi po kayo mag-pray. Iba pa rin pag ai God na ang kumilos.

Hindi ko siya makausap ng maayos mommy, galit siya lagi. Kaya tahimik na lang ako, lagi ako nagdadasal kay god na lang po ako kumukuha ng lakas at kay baby.

Nako sis ang hirap naman ng ganyan ako talaga hindi kapag kinausap ko.si lip hindi ako papayag na hindi sya makikinig sa sinasabi ko lalo na kung babaliwalain nya ang gastusin para sa baby kaya sis.takutin mo yang asawa mo.sabihin mo a knya na sa kanya mo iaasa lahat ng gastusin sa ospital dhil wala kang makukuhang pera takutin mo lang ara naman mauntog sya nahindi pwde sayo iaasa lahat

Kung ako po sayo momsh, iiwanan ko na yan. Mas iisipin ko po sarili ko at anak ko. Dapat nga po inaalalayan ka nya, then nag iipon para sa bata. Ba't ikaw lahat? Di mo rin makausap ng maayos, pano kayo magiging okay? Ask him ano plano nya sainyo, if galit and you're not satisfied with his answer, leave him. Pakalayo po kayo sa gnyang tao.

VIP Member

Nako sis kung ngayon nga ganyan na sya Mas lalala pa yan pag mgtagal kapa sa poder nya, iwan mo na di bali ng walang amanang anak mo kaysa naman ganyan, napaka iresponsable, may kasalanan kadin eh kasi sinasanay mo syang gawin yan sayo, kaya hanggat maaga pa umalis kana iwan mo na, mas gaganda pa buhay nyong mag ina pag wala sya,

Just keep on praying momsie. Pag feeling mo stress n stress kna at galit na galit kna mg rosary ka nlng.. Mkakalma ka.. At isipin mo ung baby mo.. Gnyan n ganyan ako cguro 1-2 months na stress dahil din sa hubby ko,pero naun npapakalma ko na sarili ko.. Basta have faith hindi tau papabyaan ni Lord. Promise mas mgging ok ang lhat.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles