Mataas Ang Sugar
Guys, mataas yung sugar ko kaya pinagdidiet ako ng OB ko. Okay lang naman saken ang Anmum diba? Napapansin ko kase kapag iniinom ko siya, matamis e. Baka di siya okay pag mataas ang sugar.
Ako po mommy may pcos kaya mataas sugar ko nung nagbubuntis ako. Buong pregnancy ko hanggang ngayon 1month na si baby ang iniinom ko lang Anlene Plain healthy naman po si baby. Low fat kasi then hindi ko nilalagyan ng sugar pero masarap naman.
Same tayo medyo mataas den sugar ko sis. Okaylang nmn nag anmum kasi need ng baby yan. Morning and evening lang ako umiinom. basta iwas kalang sa prutas na matamis. Saka sa mga chocolates and carbs. Bawasan mo kanin mo. Brown rice mas okay.
Anmum na ako simula nung 2mos pa lang ako. Wala naman problem. Sabi sa instructions, 2x iinom pero ako isang beses lang kasi may iniinom din naman ako na calciumade. Iniiwasan ko lang din mga matatamis and inom lang madaming water.
Fresh milk ka nalang mumshie. Yung low-fat or non-fat. Mataas pa din kasi sa sugar yung anmum. Nag anmum lang ako hanggang 4 months. Pero nung 5 nag stop na ko and fresh milk nalang.
Diagnosed din ako before ng gestational diabetes and pina stop din ako ng ob ko uminom ng Anmum kasi mataas ang sugar content. Pinalitan niya ng Nestle Nonfat.
I was adviced by my OB to take glucose test one hour after breakfast and since breakfast ko iniinum anmum napansin namin husband ko tumataas sugar ko after.
mam gano po kataas sugar level niyo? ako po kasi pinag bawal din ni OB ang softdrinks.juice. mga matatamis po. Sugar kupo is 1+ medyo mataas daw po.
mataas ngapo mami sa inyo. yung saakin po parang ok naman pala. natakot panaman ako kasi sabi medyo mataas daw po yung 1+😅
Fresh milk nman po pede sa atin buntis. Kung gusto nyo tlga anmum Mejo labnawan nyo na lang yan advise sa akin ng ob ko Pero normal sugar ko
Common sense po. Bawal gatas pag mataas ang sugar. Hindi nama required ang maternity milk... basta may vitamins ka and calcium ok na yun
Try enfamama choco, hindi siya ganun katamis. Saka advice ng ob ko, mas okay daw enfamama than anmum😊