NAPAKATANGA ko daw

Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob..Hanggang ngayon kc hndi q pa rin makalimutan..i had 1 stillbirth and 1 miscarriage..after 1 month ng aking miscarriage nalaman ko na pinag uusapan ako ng hipag at bayaw q at ang sabi ng bayaw q ay NAPAKATANGA q daw..dapat ba na sabihan aq nun ng nakatalikod?ginawa q naman ang lahat para maging safe ang pregnancy q..nagsumbong aq sa mr. q..at ang sabi lng niya ay nasaktan kc sila dahil kadugo nila yun..oo alam q nasaktan sila sa nangyari pero deserve q ba na masabihan ng ganun..?kung nasaktan sila mas nasaktan aq..

34 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wow naman, daig pa nila yung mismong nanay na nawalan ng anak kung masaktan πŸ™„ wag mo na lang pansinin sis, iprepare mo na lang ang mind, body and soul mo para sa susunod mong baby.. May mga tao talaga na masyadong entitled sa sarili na akala mo napaka gagaling sa buhay.

No, you don't deserve that. Nasaktan nga sila knowing na kadugo lang, what more sa pain ng mommy. If you know sa sarili mo na nag-ingat ka naman edi they don't need to blame you, wala silang alam sa pinagdaanan mo kaya wala silang karapatan mang judge.

Grabe nmn sila dapat concern pa nga sila sayo hindi ganun hays. Tsaka hindi nila alam yung pakiramdam dahil hindi sila yung nasa sitwasyon mo at kung Gaano mas kasaket sayo yun ngyare masaket sa kanila mas doble saket sayo bilang ina.

Mas tanga sila. Di ba nila naisip na kadugo lang nila yun. Ikaw, yun ang buhay mo. Part of you died with the babies. Jusko! Pag may ganyang kamag-anak ako or kahit sa side ni hubby, never ko ipapahawak sa kanila anak ko.

VIP Member

Mommy, kung nais mong ibahagi ang iyong kuwento tungkol sa stillbirth. I-email lamang kami sa [email protected] sa ganitong simpleng paraan, mabibigyan natin ng kaalaman ang mga soon to be mommies tungkol dito.

Post reply image

hindi mo nmn kasalanan ang nangyari momsh,may mga pangyayari kasi na hindi talaga natin mapipigilan,at may mga taong hindi makakaintindi ng nararamdaman nating mga mommy, rest ka nlng muna momsh,at ipagdasal nlng sila

napaka insensitive nila. kung sino ang pinaka nasasaktan sa ngyari, ikaw un at ang asawa mo. sino ba gumusto na mangyari yan diba. minsan ang hirap ng ganyan na kasama, distansya kna lang sa kanila

Kung nasasaktan sila, ano ka pa na ikaw mismo yung nagdala at nag alaga? Hindi maipapaliwanag o madedescribe yung sakit na nararamdaman mo kaya wala silang karapatang magsabi ng mga ganong bagay.

Wala silang kwenta. Hindi nila alam yung pain ng isang nanay na namatayan ng anak. Kaya wala sila karapatan sabihan ka ng ganyan. Iharap mo sakin yang bayaw mo at matampal ng isa!

hello. keep in mind that it was never your fault. hayaan mo sila mag isip ng kung ano sayo, but don't let that affect you. alam mo ang totoo. God is Good.