34 Replies

VIP Member

pasalamat sila d nila naranasan ang naranasan mo. sino naman matinong ina ang maghahangad n mawalan ng anak. hays hayaan m sis, be positive, ang mga angel mo masyado ata silang maganda para sa mundong ito at mas pinili ni God n maging anghel sila. mama ka ng 2 anghel. darating dn ang rainbow baby mo, tulad ko, sa tamang oras at tamang panahon, wag m n damdamin sinasabi nila, d kc nila alam ang pkiramdam. deadmahin m sila at mag focus k n lng sa ibang bagay. godbless

17 weeks pregnant na ulit aq ngayon..parati sumasagi sa isip q..paano pag hindi nanaman naging successful itong pregnancy q ngaun..?baka sabihan nanaman aq habang akoy nakatalikod ng NAPAKATANGA ko..mga kamag anak nila pag nakikita aq sinasabihan aq na ingatan q na daw ito ngayon..gusto q sana sila sagutin na bakit ung dalawang nauna ba hindi q iningatan..?kaso nagtimpi na lng aq dahil mas matatanda sila sa akin

Ganyan din ang kapatid ng asawa ko sakin momsh, sila mag asawa kung ano ano sinasabi about sakin ng patalikod. Mdalas parinig din sa social media. Dinamdam ko ng sobra nung una. Pero naisip ko wla naman sila naiambag na kahit ano para sakin. So dinedma ko na lang, kahit hndi kami magpansinan wala sakin. Mahalaga wla akong ginawang masama sa kanila. May Dyos naman na nakakakita sa lahat kaya ipagpasa-Dyos nalang natin sila. Focus nalang tayo s adinadala natin na baby at wag na pakastress para na lang kay baby ok momsh? Pray palagi at pilitin maging masaya. Kaya natin to, makakaraos din tayo.😊

Walang may gustong mangyari yon. Dapat nga icomfort ka nila dahil sa nangyari. Kung nasaktan sila lalong mas masakit sayo yun, tapos ganyan pa sasabihin nila. Di talaga natin maiiwasan ung mga taong tulad nila na napakakitid ng utak 🙄 pag pinatulan mo naman ikaw pa lalabas na masama. Sa ngayon mamsh magpahinga ka nalang muna mabuti dhil baka makasama sayo pag nagpa stress ka sa kanila.

Mommy, pakisabi sa asawa mo na hindi nakakatulong sayo yung pinagsasabi at panliliit ng bayaw at hipag mo kaya tumigil na sila. Then pray ka lang lagi kasi si God lang ang makakatulong sanyo ng baby mo, na sana this time makapagsilang kana ng baby. And, lagi mo lang din susundin ang payo ng ob mo, mga dapat mong gawin para hindi na makunan ulit. Godbless sating mga buntis😊

isampal mo sa mukha nila na d mo ksalanan un!. cla ung tanga, cno ba namang nanay nanaisin na mwaln ng anak.kung nsktan cla dhl kadugo nila nawla, d ba nila naisip mas maskt sayo un bilang nanay dhl laman at dugo mo un. jusme..mga mema yang hipag at bayaw mo.. d dpt pinagpapasensyahn yan. ako syo ssgutin ko yang mga yan. imbes na I comfort ka, gnun pa ssbhn

ikaw pa nasabihan ng tanga dapat nga tinutulungan ka nilang maka pag move in sa nangyare sayo dapat iniintindi ka nila tsaka dapat inisip nila na baka na stress ka kase nangyare sayo yun kung para sa kanila masaket na nawala yung baby mas masaket para sayo yun kase sarili mong anak yun kaya wala silang karapatan na sabihan ka nila ng ganyan

Nope. Kung meron man dapat na masaktan dito, ikaw yun sis kase ikaw ang ina. Ano bang karapatan nilang sabihin yun? Hindi naman nila napagdaanan yung napagdaanan mo. Mahirap ang mawalan ng anak hindi mo naman ginusto yun. Judgemental sila masyado sana man lang inayos ng mister mo yung sagot nya. Kase parang foul sa pagiging motherhood mo yun.

VIP Member

Mas tanga sila Mommy dapat nga maintindihan ka nila dinala mo ng kung ilang buwan anak mo sayong sinapupunan inalagaan at minahal kahit di pa nakikita at hindi mo naman ginusto mawala baby mo, anong karapatan nilang sabihin yun ay wala naman sila ambag sainyo mag ina. Nakakainis na dapat maintindihan ka nila sa halip na sisihin pa.

Supalpalin mo..kung nasaktan sila, di lang doble sakit na nararamdaman mo. Yan hirap sa ibang tao eh, mga walang simpatya at mahilig mag magaling. Akala mo sila naghirap. Minsan kailangan mo din lumaban basta't hindi baluktot ang katwiran mo..kasi kung di ka kikibo,haynako..maaabuso ka.

Cla kamo ang tanga... Wag mo cla intindihan dapat p nga.. Iencourage k nila n lakasan loob mo s mga pag subok n dumating s inyo.. Ndi ung idodown kpa.. Ganitong mga uri ng tao ndi dpat png aaksayahan ng panahon.. Pray lng lagi sis at hanggat maaari lumayo k s mga toxic n tao n tulad nila..

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles