Ningas Kugon Partner

Gusto ko lang ishare, nalulungkot kasi ako sa inis. Before I got pregnant, masipag na magwork ang partner ko. Kahit weekends pumapasok sya kasi pinapapasok sila at kailangan daw ng tao. Nalalate sya pero nageextend sya para kahit may kaltas daw, may OT naman sya. ? At para kung sakali daw na magkababy kami may ipon sya kahit papano. Ok naman work namin. Stable naman. So ayun, nagbaby na kami. 7weeks and 4 days na akong preggy nung nalaman namin. Sobrang saya namin nung nalaman namin. Lalo pa sya nagsipag magwork. Kasi bawas na ako sa pag OT, sya na lang. Pero i make sure na nakakapagpahinga naman sya. Kasi mahirap na kapag nagkasakit sya. Pero nagstart nung 4 months preggy na ako. Araw araw na syang late, (hindi kasi kami nagsasama kaya hindi ko maasikaso para bumangon ng maaga) kesyo tanghali na daw sya nagising, matraffic. Tapos hindi na sya nagoOT. Sinasabi naman nya sa akin na tinatamad daw sya gawa ng process. Napapadalas ang absent at half day. Kesyo walang tubig, wala syang pamasahe papasok. So ako imbes na mastress sa kanya, ok lang ako ng ok. Pinapahiram ko sya ng pera kahit mas malaki ang sweldo nya sa akin. Kasi nga wala na daw sya budget. (Madami kasi talaga syang loan. Hindi ko alam bakit sya nagloloan dati hindi pa kami noon meron na sya) Kapag kailangan nya ng pera pambayad sa loan nya, pinapahiram ko sya. Kasi kapag naguusap kami un lang din kinukwento nya. Naawa naman ako at saka para makabawas na sa gastusin nya. Ang akin lang kasi, kung madami sya bayarin, sana mas nageeffort pa sya para kumita. Kapag nakahiram na sya ng pera, parang relax relax na sya ulit. Hindi ko masabi sa kanya ng diretso kasi baka matapakan ko naman ung pagkatao nya. Hindi ko na sya inuubliga sa vitamins, nagaabot na lang sya kung meron nya. Nakakapagbigay naman kaso ilang araw lang manghihiram na naman. Ako na preggy, everyday hirap ang pagpasok at paguwi. Nakakapasok ako araw araw kahit weekends pumapasok ako para may panggastos ako. Kasi ayaw ko iasa sa kanya lahat. Tapos eto pa parang gusto ko pumasok na lang araw araw, 7days a week, para kung hindi sya makapagprovide, ay may back up ako. Wala pa kami ipon para sa panganganak ko. Kasi ung mga binigay nya, nahiram na din nya. Share ko lang po.. para makabawas sa bigat ng nararamdaman ko.

7 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Alam mo hindi maganda sa relationship yung nagtatago ng nararamdaman. As soon as possible sabihin mo sa kanya kung anong nararamdaman mo bawal sayo mastress lalo buntis ka dapat happy lang. for sure maiintidihan naman ng partner mo yan kung talagang mahal ka nya at ang baby nyo. I’ve been in your situation wala nga work yung asawa ko pero naghanap sya way para magbusiness para sa baby namin at sa future na din. Kayo lang din makakaayos nyan momsh talk to him. Maiintindihan ka nyan

Magbasa pa
VIP Member

Sis ipaliwanag mo na hirap ka na din hindi naman pwede yung ok ka lang ng ok paano naman si baby? Byahe everyday stress sa work hays. Sa sunod sis pag hihiram sayo sabihin mo wala ka na extra pera matuto ka humindi kasi sinasanay mo sya pahiramin ng pahiramin kakatamadan talaga nya magtrabaho. Paano pag nanganak ka na kung wala ka maiipon. Tiisin mo sya sis at itabi mo pera mo in case wala sya pera once manganak ka mahirap pag may baby dapat lagi may extra money in case na lang.

Magbasa pa

Usap kayo,momshie. Baka may pinagdadaanan din sya na hindi nya masabi sayo or i'm not sure if totoo yung parang naglilihi din sila kase yung hubby ko nung first trimester ko up to almost 5mos na ng tummy ko, tamad na tamad din sya pumasok sa work, lage syang antok and nagccrave ng food. Haha. kaya feeling ko naglihi din sya. Better din na wag mo sya sanayin na ikaw ang nagproprovide and let him know na may responsibility na sya sa inyo. Lalo at magastos pagbuntis.

Magbasa pa
VIP Member

Sad pero wag ka mawalan ng pag-asa momsh... Tamang timing at mag Heart to heart talk kayo ng partner mu... Pray din na matulungan ka na magkaunawaan kayo 😉

Kausapin mopartner mo mamsh. Baka kasi namimihasa na sya. Iparealize mo na need nya lalo magsipag dahil buntis ka na. Hindi pwede na sya pa aasa sayo eh buntis ka.

5y ago

Hindi ko alam bakit di ko sya makompronta sa ganyan. Sinasabihan ko naman kasi sya na kailangan nya ako bigyan ng pera, pero kapag sinasabi ko un, parang joke un sa kanya. Tatawa tawa lang, so ako tatawa na rin. Alam nya kasi kung gano ako katipid sa mga bagay bagay.

TapFluencer

Kausapin mo sis. Baka may factor o may nangyari sa work kaya tinatamad na siya. Maybe na deny ng promotion or what.

5y ago

Magkawork naman kami. Dati pa ganun ung process nila, pero ewan ko kung bakit sya bigla tinamad. At kahit noon pa ayaw nya daw talaga mapromote, masakit daw sa ulo. Kaya hindi ko alam kung ano ba talaga kinatatamaran nya.

Magusap kayo maigi. Sabihin mo lahat ng hanash