PAADVICE PO

Goodmorning po! Palabas ng sama ng loob mga mamsh. :( Im 6months pregnant ftm. Nag away kami ng lip ko about sa pagpapaultrasound. Kasi mas gusto ko na magCAS or ipa4d yung ultz samantalang siya gusto niya yung mumurahin lang. May ipon na po kami for baby pero parang ayaw niya ipagalaw sakin. Gusto ko lang naman malaman kung maayos yung anak ko sa sinapupunan ko kaya gusto ng ganung ultz pero bakit hirap na hirap siyang umoo. Sinasabi niya na pangsosyalin lang daw yung ganung ultz. Ang gusto ko lang naman mga sis maging special yung anak ko. Sa buong buhay ko minsan lang tong ganto. Gusto ko maayos lahat dun lang ako makakapante. Pero halos maiyak nalang ako dahil nagkasagutan pa kami ng lip ko dahil sa ganun. Nag ipon kami for baby. Usapan namin for baby talaga lahat yun pero hirap na hirap siya ipagalaw. Hindi naman ibang bagay ilalaan lang yung gastos. Para sa anak naman namin. Iniisip niya iisipin ng magulang niya na papagalitan siya kasi di kami praktikal. Eh pinag ipunan nga yun para dun. Ewan dumidipende siya lagi sa sasabihin ng iba. Mukhang maaga ako manganganak dahil sa stress. ???

75 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

mga mamsh medyo mababaw nga lang yan sentimyento nya. maybe because of may pagkaemo talaga pag buntis. hehe wag ka na malungkot sis. nalulungkot din si bb

Ewan a. sya lang yata tatay na ganyan. partner ko walang pake sa presyo basta alam nya para sa baby. pero pag para sa make up ko un dun na kmi nag aaway

VIP Member

I agree to your husband.hnd impt ung 4d ultz ang impt nakita m c baby na healthy.save your money for your delivery onwards kc d mo alm ang mangyayari.

Importante ung CAS momshie.. dun mo kasi malalaman kung healthy & walang problem si baby.. pro ako 2d ultrasound lang kase ang mahal na ng 3d and 4d..

Mas okay na yung nahahandle nyo yung budget sis mas okay na yung sobra kesa sa kulang ganun din naman makikita mo parin baby mo☺

Ang mabuti sis pag nag pacheck up ka magpasama ka sa asawa mo then sa harap nya tanungin mo ob mo kung ano maganda ultrasound

sariling pera mo gamitin mo para wala sya masabi sayo..baka naman ipon lang ng lip mo yun kaya ka nya na cocontrol sa ganyan.

VIP Member

LIP ko naman kung para sa baby at para sa akin go sya. Palagi nya sinasabi, kesa huli mo na malaman naay komplikasyon pala.

Ganyan din si lip q. Ayaw nya pa utz. Ayaw pacheck up. Ayaw maglabas ng pera. Pero pag aq gagastos ok lanv sa kanya.

di naman kasi kailangang ipa4D. kita naman sa CAS kung may abnormalities o wala. practical lang LIP mo teh.