PAADVICE PO

Goodmorning po! Palabas ng sama ng loob mga mamsh. :( Im 6months pregnant ftm. Nag away kami ng lip ko about sa pagpapaultrasound. Kasi mas gusto ko na magCAS or ipa4d yung ultz samantalang siya gusto niya yung mumurahin lang. May ipon na po kami for baby pero parang ayaw niya ipagalaw sakin. Gusto ko lang naman malaman kung maayos yung anak ko sa sinapupunan ko kaya gusto ng ganung ultz pero bakit hirap na hirap siyang umoo. Sinasabi niya na pangsosyalin lang daw yung ganung ultz. Ang gusto ko lang naman mga sis maging special yung anak ko. Sa buong buhay ko minsan lang tong ganto. Gusto ko maayos lahat dun lang ako makakapante. Pero halos maiyak nalang ako dahil nagkasagutan pa kami ng lip ko dahil sa ganun. Nag ipon kami for baby. Usapan namin for baby talaga lahat yun pero hirap na hirap siya ipagalaw. Hindi naman ibang bagay ilalaan lang yung gastos. Para sa anak naman namin. Iniisip niya iisipin ng magulang niya na papagalitan siya kasi di kami praktikal. Eh pinag ipunan nga yun para dun. Ewan dumidipende siya lagi sa sasabihin ng iba. Mukhang maaga ako manganganak dahil sa stress. ???

75 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako din po before gusto ko mag pa cas or 4D ultrasound gusto ko din kase makita na maayos si baby sempre para kapag labas nya remembrance din since na 1st baby namin to . gustong gusto ko talaga :( pero na realized ko mas kailangan namin maging praktikal. yung pang ultrasound namin. pwede namin pang dagdag sa pambili ng mga vitamins, pampaanak or sa gamit ni baby . which is para kay baby din naman . Kaya smile na nakakasama kay baby ang stress :)

Magbasa pa

Usually naman po kasi, nagka-CAS lang kung nagkaroon ka ng matinding sakit nung mga unang bwan ng pagbubuntis mo, para makita kung merong naging epekto kay baby, kadalasan naman ob nagrerequired nun, kung meron siyang makitang di okay sainyo ni baby. Pero kung all along your pregnancy naman ay okay lahat, at normal yung mga check ups at lab mo siguro yung normal ultz nalang okay na po yun. Nagiging praktikal lang si Mister mo.

Magbasa pa

Sakin okay na yung normal na ultrasound lang ... practical e lalo pa nag aaral palang tatay ng baby ko though nakakaprovide namn sya samin ng needs namin kasi may pautang sya konte .. tsaka di namn nirequest ng ob ko so i think diko namn kailangan mag undergo ng ganun kamahal na ultrasound .. Ang nirequest nya nga for Next month is pvs para lang malaman namin gender ni baby .

Magbasa pa

Sis hnd ako nirequred ng OB ko na magpa-CAS before BUT I insist kasi I know importante un eh saka for the sake of safety and piece of mind nyo nadin na normal si baby. Kasi ang CAS maaga pa lang malalaman nyo na meron abnormalities atleast mapaghahanda bago sya lumabas. Ipaliwanag mo sknya. Meron kasi case na sa normal ultrasound okay si baby pero paglabas hnd pala.

Magbasa pa
4y ago

Opo pwd kht wlaang request ng OB. CAS-Congenital anomaly scan 18-28weeks po

Walang problema sa 2D. Kasi 2D lang ginawa ko sa 2nd ko. Pinagkaiba lang nakikita ng mas maayos ung features ni baby if 4D. Nasa interpretation ng OB mo naman ang magiging basis mo. Wag mo na lang masamain ung intention ng LIP mo. Mahirap magkapera sa panahon ngayon. Napepressure lang din siguro sya. Chill lang mamsh... Your baby will be fine.

Magbasa pa

Ipaliwanag mo sis kaya mahal yung CAS kase ichecheck lahat lahat ng tungkol sa Baby nyo kamo.Hindi yun kamo pang sosyalin,ganun talaga ang price nya kase over all health ni Baby ang titingnan.Atleast 5 mos palang malalaman nyo na,kung may problema si Baby sa womb mo,mas maagapan at magagamot ng Doktor kase pag 7-9 months yta hindi na kailangan yung CAS.

Magbasa pa
5y ago

Bket dna kelangan ng cas 7-9

Ganito ang gawin mo. Isama mo siya sa susunod na check up mo sa ob. Tapos itanong mo sa ob mo kung dapat bang i cas, sasabihin nmn ni ob kung gaano kahalaga iyon. Kung naniniwla siya sa iba im sure maniniwala aiya sa ob kc spesyalista siya doon. Pwede nmn murang cas nlng n d kelangn mamahalin pa para meet half way db

Magbasa pa

Kaartehan na masasabi kung 4D pa talaga gusto mo. Ung usual ultrasound lang ok na eh. Ibili mo lang ng mas importante yun pera. Like vitamins nio ni baby at masusustansyang pagkain or budget para sa mas ospital ka makapanganak at di lying in kung gusto mo talaga gawing special ung moment ni baby.

Wag ka lang magalit sis pero agree ako sa husband mo kasi wala pa sa kalingkingan ang gastos nasa loob pa si baby...ok naman din ang UTZ na di 4D tsaka sasabihin naman ng sonologist if ok ang baby mo sa loob buy mo nlng ng important things ang money kasi paglabas ni baby dun na ang gastusan talaga

ang swerte mo nga po kasi praktikal yung Lip mo, atleast iniisip nya po yung mga susunod na gastusin .. kesa po sa walang pakielam talaga ng hubby, kaya kung di naman po nirequired ni OB mo, ayos lang yan momsh. tsaka ka nalang bumawi kapag nakalabas na si baby mo kasi dun mas malaki ang magagastos.