Baby Movements

Good morning Mommies! Sana may makapansin. Sobrang worried na kasi talaga ako. Tho, papacheck up po ako ahead of time sa OB-gyne ko. ?? Sino po dito naka experience starting sobrang ligalig ng baby sa loob (like as in, kulit-kulit ng baby tumatalon pa) pero nung nareach yung kabuwanan or last 2 months before EDD biglang nag decrease yung movements ni baby? UUltimong parang nag uunat nalang yung paa at kamay? ☹ Tho, sabi dito sa tracker ko normal yun pero may mga nababasa din ako na dapat hindi mag stop yung movements ng baby kahit malapit na. P.S As of now, wala pa reply si OB baka logtu pa.

Baby Movements
115 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ganun tlga Yan sis ako nung buntis ako 4months sobrang likod nung mga 8 9 months halos dna gumglaw jusko grabe worried ko ung halos nagpacheck up ako sa 3 iba ibang obgyne pra hingin ung opinion kc first time mum Lang at hindi ko din tlga alam tapos nkadagdag pa ung mga nabasa ko na ung iba daw Hindi daw gumglaw in pala no heartbeat na si baby nkakaworied pero as soon as my time na malikot c baby nothing to worry Sabi Ng ob ko nun dapat daw every 7 hours nag move c baby khit sandali

Magbasa pa
VIP Member

maraming nagsasabi na normal yan pero ako nung sinabi ko sa OB ko na.parang dumalang nalang yun pag galaw ng baby ko pina ultrasound nya ako agad saka yun may kinakabit sa tyan para bilangin yun galaw ni baby every minutes. nakita don na paubos na panubigan ko at nakapalupot pusod ni baby kaya na emergency CS ako non. kaya pag malapit na kabuwanan lagi mo po observe baby mo kasi sabi ng Ob ko kahit na kabuwanan na dapat active parin si baby.

Magbasa pa
5y ago

Ayun nga po e. Papa ultrasound din po ako ahead of time. Waiting lang sa reply. Thank you po!

Nung buntis ako sis yung baby ko sa tyan non hindi sya talaga malikot. Sabi nila babae daw kase. Kaya everytime na feeling ko hindi sya magalaw napaparanoid na ako. Tipong bumili pa ako ng doppler nun para sure lang na naririnig ko heart beat ni baby. Pero nung natanong ko sa ob ko yan, lumiliit na daw kase ang space nya sa tyan naten kaya limitado na ang galawan ni baby kaya ganon. Ayon napanatag naman ako kahit papano.

Magbasa pa
4y ago

Mas lilimit pa galaw ni baby lalo na pag nasa 35weeks+ na tyan mo.

Hello sis, better track your baby's movement po. 10 movements in 2hrs dapat although talagang liliit na Ang space na ginagalawan nya pero dapat po di titigil sa paggalaw si baby.. may schedule sya ng galaw sis usually after mo kumain, nagtake ng sweets/cold drinks, or matutulog sa Gabi. 🙂 Basta monitor mo lang, kausapin mo sya and if may doubt ka parin pacheck ka na. Godbless you.

Magbasa pa

hi mamsh.. 32 weeks ako tom.. :) pero si baby malikot s tummy.. :) at madalas po.. :) kktpos ko lang po ngpacheck up knina... and s ultrasound chord loop po c baby.. single lng nmn... pero ang advice ni ob... once n nabawasan ang movement... go ako agad sknya para i check c baby.. :) plagay ko mamsh you need to see your ob and have your baby ultrasound... para sure po.. :)

Magbasa pa
5y ago

Girl po and sobrang ligalig niya since 4 months ngayon parang nasisikipan na siya monitored ko naman po. :)

Hindi ko naexperience Yong gnyan sa baby ko nong NASA tyan ko p lng sya.Parang konting sipa lng gnon,pero Yong sobrang likot d ko sya naexperience boy po Yong baby ko and now his 4 yrs old n.Pero twing checkup ko nmn healthy sya Basta mlkas lng lgi tibok NG puso NG baby.At ngyon mas lalong healthy Doon ko n nkita Yong super kulit.Npkatalinong Bata pa.

Magbasa pa
VIP Member

Ako pag nag waworry naku sa galaw ni baby mag mumusic ako din yun gagalaw sya ng gagalaw at ninrarub ko tummy ko at kinakausap at binibilang ko movements niya.. at pag katapos mo din kumain magalaw din so baby ganun kase di naman bawat oras magalaw sya kase masikip na kase sa loob ng tummy mo kaya di sya makagalaw ng tulad nong nauna..

Magbasa pa
VIP Member

Momsh parehas po tayo nag tataka din po ako.next month kabuwanan ko na po.pero sabi ni OB normal lang daw yun kase sumisikip na si baby sa loob ng womb natin.pinakita ni OB yun fetal hearth beat ni baby sa akin at okey naman po,parang nag hahanda na kase si baby sa paglabas di na sya nag papakapagod.basta regular checkup mo po.

Magbasa pa

Isng araw lang ejo behave anak ko sis eh 30 weeks preggy here tas ngayon sobrang likot nanaman. Try mo kausapin.. Gumgalaw naman sila pag kinakausap mo na magparamdam eh.. Jan daw kaso nagbbase sa behavior ng baby paglabas niya pag daw malikot hyper o masayahin paglaki pag daw d gnong magalaw behave daw

Magbasa pa

Okay lang po yan, kasi ganyan din ang akin, dependi lang kasi sa pag laki n bby sa tummy mo, pa minsan minsan biglang umiemik, at minsan namn hindi pero atleast sumisipa din sila , dont worry po dyan mamshie natural langyan dpendi lang talaga sa size n bb mo ,d ma ka ikot2x lalo kasi santummy mo.

Magbasa pa