Good evening mga mamsh! 3 days palang akong nakaleave at nakikitira sa bahay ng byenan ko kasi wala pa kaming pera ni hubby na pambukod. On leave na ko kasi malapit na ko manganak and we decided ni hubby na sa kanila muna kami tumuloy since masyadong malayo kung sa probinsya ng magulang ko kami makikipisan. Pareho kaming dito sa Manila ang work ni hubby, dyahe magbyahe kung sa probinsya kami lalo at working nga. Sa part ni hubby, kaya ayaw din niya na samin kami kasi gusto niya pamilya niya ang mag-alaga sa baby namin kapag nanganak na ko at pumasok ulit sa work. Sakin naman pabor sana kasi hindi namin need iwan sa probinsya ko si baby, bukod sa malayo eh ayoko din ng environment dun sa totoo lang.
Kaso mo, 3 days palang ako nakikitira, ramdam ko na na mabigat ang loob sakin ni mudra ni hubby. Ultimo paggamit ng fan isyu. Kesyo wala bang ibang e-fan na hindi ginagamit kasi ginagamit ko yung isa. Tapos kanina lang, umaga palang nadinig ko na g n g siya kasi may nagflush ng cr. Eh sira ang flush, once nagflush ka tuloy tuloy ang daloy ng tubig. Kaninang umaga, aminado ko na ako nga yung nagflush. Abe malay ko ba na sira! Pero ngayong gabi nagsasabi sabi na naman siya. Kesyo nakabasta na yung tubig sa cr na pambuhos, may nagflush pa din. Flush daw ng flush eh may tubig na nga. Sinabi na nga daw wag iflush. Kesyo magbabayad daw 1k pag lumaki konsumo sa tubig.