mali po ba ginagawa ko?

good day mommies. tanong ko lang kung mali ba yung ginagawa ko? kasi pinabili ko si mister ng formula milk kasi ang konti ng gatas na lumalabas sakin. tsaka pag nagpapump ako, ang konti din talaga. yung 2oz di pa napupuno yon. eh si baby ang lakas dumide. kapag dedede naman siya sakin mismo, ang gusto niya lalabas agad ang gatas kasi pag hindi, iyak siya ng iyak. eh naaawa ako kasi parang wala naman siyang nadedede. tapos ang sabi sakin dito samin padedehin ko lang ng padedehin sakin. alam ko naman yon kaso kasi ang sakit na rin ng nipple ko at talagang puyatan kami kapag ganon. unlike nung pinagstart ko siyang itake ng formula milk, ang himbing lagi ng tulog niya and bihira na lang siya umiyak. feeling ko tuloy mali yung ginagawa ko dahil sa sinasabi nila sakin ๐Ÿ˜”ngayon po, pag may napapump naman ako kahit konti pinapadede ko pa rin sa kanya. mixed feeding po siya kumbaga

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

masakit at nkakapagod Po tlga sa una. my phase din sila na parang d nabubusog. iba Po Kasi Ang cows milk sa human milk. mas matagal at mabigat sa tiyan Ang cows milk compare sa human milk. . and yes padedein lng tlga padedein para dumami supply. .pero choice mo nmn Kung gusto mo mag formula. . pero same sayo sa unang month nmin ni baby halos d siya bumibitaw sakin. normal lng Po iyon and minsan iiyak agad Lalo na pag d siya agad nkaka pag latch Ng tama. may correct latch din.. pinag aralan ko Po para d dumugo nipple ko, ska d umiyak si baby madali Niya mkuha Yung nipple ko. . ayun months Po tlagang puyatan pag breastfeeding every 2-3hrs gising ka kahit madlaing araw, kahit antok n antok ka need mo gumising para mag padede Ska mag pa burp. . Ang hirap ๐Ÿ˜… puyat and pagod is real para Kang Machine. malalagpasan mo din yang phase na Yan sis. . ikaw pa rin masusunod sa baby mo.

Magbasa pa