mali po ba ginagawa ko?

good day mommies. tanong ko lang kung mali ba yung ginagawa ko? kasi pinabili ko si mister ng formula milk kasi ang konti ng gatas na lumalabas sakin. tsaka pag nagpapump ako, ang konti din talaga. yung 2oz di pa napupuno yon. eh si baby ang lakas dumide. kapag dedede naman siya sakin mismo, ang gusto niya lalabas agad ang gatas kasi pag hindi, iyak siya ng iyak. eh naaawa ako kasi parang wala naman siyang nadedede. tapos ang sabi sakin dito samin padedehin ko lang ng padedehin sakin. alam ko naman yon kaso kasi ang sakit na rin ng nipple ko at talagang puyatan kami kapag ganon. unlike nung pinagstart ko siyang itake ng formula milk, ang himbing lagi ng tulog niya and bihira na lang siya umiyak. feeling ko tuloy mali yung ginagawa ko dahil sa sinasabi nila sakin 😔ngayon po, pag may napapump naman ako kahit konti pinapadede ko pa rin sa kanya. mixed feeding po siya kumbaga

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

There is nothing wrong mommy. Masakit magpadede esp sa tulad natin ftm, sooobrang sakit at dapat alam yun ng mga may anak na. Kunf wala pang anak, wag umeps. Ako mix feeding din. Hirap din ako dahil inverted nips pa ako kaya bumili ako ng nipple shield kaya nakakapag BF na ako kay LO pero masakit. Minsan nga parang ayaw ko na pero gusto ko talaga BF si LO hehe. Kain ka Momsh ng masasabaw esp yung may tulya, kain ka mga pang lactation, may nabbili po nun sa mga drug stores or malls, inom lagi ng madaming water.

Magbasa pa