mali po ba ginagawa ko?

good day mommies. tanong ko lang kung mali ba yung ginagawa ko? kasi pinabili ko si mister ng formula milk kasi ang konti ng gatas na lumalabas sakin. tsaka pag nagpapump ako, ang konti din talaga. yung 2oz di pa napupuno yon. eh si baby ang lakas dumide. kapag dedede naman siya sakin mismo, ang gusto niya lalabas agad ang gatas kasi pag hindi, iyak siya ng iyak. eh naaawa ako kasi parang wala naman siyang nadedede. tapos ang sabi sakin dito samin padedehin ko lang ng padedehin sakin. alam ko naman yon kaso kasi ang sakit na rin ng nipple ko at talagang puyatan kami kapag ganon. unlike nung pinagstart ko siyang itake ng formula milk, ang himbing lagi ng tulog niya and bihira na lang siya umiyak. feeling ko tuloy mali yung ginagawa ko dahil sa sinasabi nila sakin 😔ngayon po, pag may napapump naman ako kahit konti pinapadede ko pa rin sa kanya. mixed feeding po siya kumbaga

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ikaw Mamsh Ang masusunod dahil ikaw Ang nanay, Kung sa tingin mo mas makakabuti Kay baby Ang e'mixfeed mo siya then go, wag mung intindihin ang sinasabe Ng iba. Di lahat Ng nanay maraming napoproduce na gatas at kayang mag EBF, di lahat Ng baby satisfied sa 2oz, case to case bases din Naman Kasi, may mga nanay na may gatas nga pero di Naman healthy para Kay baby Ang magbreastfeed sa maraming pwedeng dahilan Gaya ng may mini'maintain na gamot na mataas Ang dosage Ang mother . Di kakulangan sa pagiging nanay Ang di ma'EBF Ang anak. At least sinubukan mu parin mag EBF, mas importante Ang di magutuman si Baby kaya walang Mali sa ginagawa mo.

Magbasa pa