468 Replies
mamsh wag ka pong ma down sobrang cute po ni baby kung ganyan po environment nila di po niyo need ni baby yung ganyan focus ka na lang po kay baby kapag lumakas na po loob niyo laitin niyo din po sila hahahaha jk be strong for baby pag nakapag recover ka na po ilayo niyo na po si baby sa ganyang mga tao strong tayong mga mommies okkkk so heads up mamsh kaya mo yan
Mahirap man pong gawin pero wag mo po silang pakinggan mommy. Wag niyo pong pabayaan na hindi niyo maenjoy fully yung paglaki ni baby dahil sa mga insensitive comments ng iba. (Wala na ngang ambag, dami pang hanash lol) Find strength sa baby niyo po and as long as happy and healthy kayong dalawa, ayun lang ang importante. God bless mommy and baby! ❤️🙏
Cutie cute sarap ikiss...❤️naku mommy ganyang ganyan din panganay ko noon, moreno pa ang baby ko ah.Pero hinahayaan ko mga nega na naririnig ko. Basta importante stress reliever ang mga bebe at higit sa lahat yong love natin sa kanila ang makakapagtanggal lahat ng stress sa mundo. Enjoy mo lang baby mo momsh hayaan mo na lang mga sinasabi ng in laws mo...
mga bulag ba sila? ang cute ng Baby mo.. Patingin nga ng mukha nila kong karapat dapat ba sila mang lait.. baka pag ako nakalait mawalan sila ng gana sa buhay 😂😂 kainis talaga mga tAong wala magawa sa buhay.. sila na nga itong walang naiambag sila pa may lakas ng loob para mang lait . , Hayaan mo nalang sila sis . mag focus ka nalang sa baby mo...
grabe naman po. cute naman si baby ah. hayaan mo nlg mommy. mag iiba pa naman itsura ni baby paglaki. dapat nga si mil pa ung mas nakakaintindi nyan.ksi sya mas nakakaintindi na mag iiba pa ichura n baby. tska sya mas nakatatanda 🙄at sa lip mo, napaka immature nya po. grabe. masakit yun mrinig para satin mga nanay .pero hayaan mo nlg mommy.wag pansinin.
same case sakin momsh. Yun nga lng mas nagmana sa angkan nila kaya pinipisil nila ilong ni lo everytime hawak nila at inadvise pako na pupush ko daw upper part Ng bibig ni baby para tatangos ilong. pero di ko ginawa uyy. tangek! accept ko Ang beauty ni baby ko, ganda kasi sya sa paningin ko. sasabihan ko lng mil ko na ginagawa ko Yun kahit Hindi. hahaha
Toxic MIL. Toxic LIP. Sagutin mo nalang Mi na buti nalang di namamana ang ugali kasi ang malas naman kung ugali nila ang mamana. Kung ako siguro lalayasan ko sila. Anong karapatan nilang laitin ang anak kong pinaghirapan ko madala lang sa mundong to. Kahit sino walang karapatan na laiitin siya lalo na kung WALANG AMBAG. Tumataas tuloy presyon ko. 😅
Mommy, may problema sila sa mga mata at utak kung ganon. Napaka cute ng bebe na yan e. ❤️❤️❤️ Baka magulat sila paglaki nyan! Dedmahin mo nalang muna momsh, mahalaga e safe at healthy kayo ni baby. Always think for the positive side of things kahit na minsan para wala dahil sa mga taong nakapaligid sayo, wag ka paapekto. Ingat palagi! 💖
ANG CUTEEE CUTEE NG BABY MO MAMSHY! ❤️😍 ANG GWAPO NIYA AT PALANGITI ❤️ DIRETSA AKO MAMSH, YUNG LIVE IN PARTNER MO AT NANAY NIYA MASASABI KO MALABO MATA NILA! AT MAITIM ANG BUDHI NILA DAHIL HINDI NILA NAKIKITA YUNG MGA MALIWANAG PA SA UMAGANG NGITI NG BABY MO ❤️ NGITI PA LANG NG BABY MO TANGGAL NA LAHAT NG PROBLEMA AT PAGOD ❤️
Mommy. I feel bad for them for looking to your baby that way, but don't you know... that your baby is soooo CUTE!!! Gigil ako. hmmm hmmm. Don't mind them Mommy. Bigyan mo ng salamin aa sunud. Manalamin muna sila kako at tingnan mga sarili nila. 🤣🤣🤣 Binabagay kamo sa mukha ang panglalait. Pero Mommy, cute talaga si Baby. 🥰🥰🥰