rant

Galit ako sa papa ko, oo arte na ko kung arte pero gusto ko lang safe baby ko. Palaging hinahalikan ng papa ko sa pisngi so baby, tas minsan umuubo pa sya ng naka harap sa baby ko. Pag may ginagawa pa syang mga trabaho at kung ano2 pa hinahawakan nya humahawak pa sya sa baby ko. Di naman sa maarte ako e, pero weeks old palang baby ko. Madaling mahawa sa sakit. Pano nalang kung magkasakit baby ko? Nakapagsalita bato kung anong masakit sa kanya? Hanggang iyak nalang ako pag ginagawa ng papa ko yun at pinapahidan ko nalang agad pag hinahalikan nya. Palagi syang pinagsasabihan ng mama ko kaso inuulit nya parin. Dasal nalang ako palagi na hindi magka sakit baby ko.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Bawal po talaga i kiss ang newborn lalo dyan madalas yung cause ng rashes sa pisngi lalo kung may beard pa. Sabihan nyo po at pakiusapan papa nyo. Mahirap na magkasakit ang baby tayo din mga nanay mahihirapan. Di yan pagiging maarte, ganyan din ako sa baby ko

VIP Member

Minsan hindi talaga maintindihan ng tao na nagiingat tayo. Alcoholan mo nlng si baby or bago lumapit kay baby kamo magalcohol sya